Chapter Twenty Nine The Proposal "You made me realize that I have to experience the worst to achieve the best; you." Paige Andrada Two weeks later. Gamit ang susi ni Devon ay pumasok ako sa pent house para hintayin siya. Dahil lagi akong pumupunta sa condo niya ay binigyan na ako ni Devon ng spare key. Nilapag ko ang dala kong mga gamit sa sofa niya at pagal na naupo. Naging busy ako ngayong araw dahil sa dami ng customers. Tumayo ako at nagpunta sa refrigerator para uminom ng tubig. Nahagip ng mata ko ang iba't-ibang flavor ng ice cream at isang ideya ang pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang mga iyon at nilabas. Saktong pagkalapag ko ng mga iyon sa mesa ay narinig kong sumara ang pinto at pumasok si Devon. Napataas ang

