Chapter Nineteen Mandy I shouldn't have let myself fall for him. Now, it's too late. I've fallen... so deep. Paige Andrada Kahit wala akong masiyadong tulog ay pinilit ko ang sarili kong pumasok. Hindi ko nagawang matulog kagabi dahil paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Matapos akong ipagtanggol ni Devon sa aking mga magulang ay umalis na rin sila dahil na rin siguro sa pagkapahiya. Dapat ay malungkot ako o kaya naman ay magalit dahil sa ginawang pang-iinsulto nila sa akin ngunit labis na saya ang nararamdaman ko. Girlfriend? Iyon na nga ba ang papel ko sa buhay ni Devon? Maaari ko na nga bang ituring na nobyo si Devon o nasabi lang niya ang bagay na iyon para ipagtanggol ako

