Chapter Twenty One The Heart Wants What it Wants "And I think... I'm falling for you too, baby." PAIGE'S POV Nang huminahon ako ay hawak pa rin ako ni Troy habang tahimik lang niya akong inaalo sa pamamagitan ng paghimas sa likuran ko. Wala siyang sinabi habang umiiyak ako at hinayaan lang akong umiyak nang umiyak sa mga bisig niya. Nagpasalamat naman ako dahil mayroon akong kaibigang handa akong damayan. Unti-unti akong kumalas sa kaniya habang pinupunasan ang mukha habang sumisinghot.. Sigurado akong namamaga ang mga mata ko dahil sa dami ng iniluha ko. Palagay ko ay wala na akong mailuluha pa. Bahagyang nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko pero labis pa rin akong nasasaktan. Gusto ko mang isipin na isang bangungot lang ang narinig ko ay alam ko na ang sarili ko lang ang niloloko

