CHAPTER 30

2070 Words

MULA PA LAMANG SA ENTRANCE ng La Fashionista Building ay ramdam ba ni Zenna ang kakaibang tingin sa kaniya ng mga empleyado sa opisina. Halos mag-bow ang mga guwardiya nang makita siyang pumasok sa gusali.  Bigla tuloy siyang nailang. Hindi siya sanay sa ganitong atensyon na nakukuha sa mga tao sa paligid. Batid niyang may kinalaman ang pagkakalathala ng interview ni Matthew pero hindi niya ito napaghandaan. Naasiwa siya.  Dumeretso siya sa opisina ni Matthew para doon hintayin ang binata dahil ayon dito ay may meeting ito with the board of directors.  “ Nasa conference room pa po si Sir Matthew, Z- Ma'am, ” ani Jace, malapad ang ngiting sinalubong siya.  “ Zenna, Jace. Bakit mo ba ako tinatawag na Ma'am, pareho lang tayong nagtatrabaho rito? ” “ Ayaw kong matanggal sa trabaho kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD