CHAPTER 1

1342 Words
CHAPTER 1: MMWA   YUNIKA's P.O.V   Nang matapos kong tingnan ang section ko sa bulletin board ay pumunta ko sa Building B dahil nandun ang section ko. Section B-2 kasi ako kaya umakyat pako ng fourth floor at nang makarating ako sa room ay agad akong naupo at nakita kong madami ng studyante sa loob.   Nilibot ko ang mga mata ko ng makita kong walang bakanteng upuan kaya naman pasimangot ako.   "Beautiful, dito ka sa tabi namin!" napalingon ako ng makita ko si Lucan na kumakaway sakin kaya naman napahinga ako ng malalim saka naglakad papunta sa dulong bahagi ng room umupo ako sa bakanteng upuan sa gitna nila Lucan at Rigo habang si Wieran naman ay nasa tabi ng bintana.   Inayos ko na ang mga gamit ko kasabay ang pag pasok ng teacher namin.   "Good morning third year students at dahil first day of class natin ngayon ay gusto kong magpunta kayo isa-isa sa harapan para magpakilala." sabi ng teacher namin kaya naman napahinga ako ng malalim.   "Paano ba ‘yan beautiful malalaman na namin yung pangalan mo!" nakangising sabi ni Lucan at saka sila nag-apir ni Rigo.   Di nalang ako umimik at saka ko pinagmasdan si Wieran na nakamasid sa labas ng bintana. Matangkad sya matangos ang ilong maputi at nakababa ang bangs nito at higit sa lahat ay kissable lips ito kaya naman napangiti ako dahil kinilig ako sa isiping ‘yun.   Bagay talaga kami ni Wieran! 5'3 ako habang ang buhok ko naman ay hanggang balikat lang at medyo curly kulay brown ang buhok ko dahil nasa lahi na namin ‘yun. Morena ako at medyo bilugan ang mata habang mahaba ang mga pilikmata.   Si Rigo naman ay nakataas ang buhok at naka itim na jacket habang nakahikaw ito sa kanang tenga. Nakaitim na eyeliner at ngumunguya ng bubble gum. Maangas si Rigo kung tititigan mo at may katangkaran din sya at may dating kaya nga lang ay mas malakas ang dating ni Wieran para sakin.   Si Lucan naman ang pinaingay na version ni Wieran. Maputi rin ito at kung ikukumpara mo kay Wieran ay mas malakas ang dating niya sa girls dahil sa appeal nito. Malaki ang adams apple at makalaglag panty.   "Miss!" napatingin ako agad sa harapan nang makita kong nakatingin na silang lahat sakin kaya tumayo na ako at nagtungo sa harapan.   "Goodmorning everyone, I'm Yunika Matador transfer student from Realm East Academy and I’m 18 years old." sabi ko nagulat ako nang bigla silang magtawanan lalo na sila Lucan at Rigo kaya ng umupo ako pabalik ay sinamaan ko sila ng tingin. Di nagtagal ay nagsalita na din si Wieran sa harapan.   "I'm Wieran Xivir, 19 years old." sabi nito saka muling bumalik sa upuan nya nang di man lang ako tinitingnan.   ***   Dahil first day of classes ay hindi masyadong nagdiscuss ang mga professor, at nang mag lunch break na ay agad akong nagligpit ng mga gamit ko nang makita kong naglakad palabas ng room si Wieran.   "Wieran wait!" tawag ko sa kanya saka tumakbo palapit sa kanya.   "Unique, hintayin mo ako!" sabi Rigo sakin pero di ko sya nilingon.   "Hoy Matador sama ako!" dinig kong sabi ni Lucan kaya sinamaan ko sya ng tingin at nang tumingin ako kay Wieran ay nagmadali akong tumakbo.   "Wieran wait!" tawag ko sa kanya pero di nya ako pinansin kaya ng binilisan ko pa ang takbo ko ay bigla nalang akong natapilok dahilan para madapa ako!   "A-aray! A-ang tuhod ko!" maluha-luhang sabi ko at nakita kong napahinto si Wieran at akmang maglalakad na palapit sakin ng maramdaman kong nasa tabi ko na sila Rigo at Lucan.   "Unique are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Rigo sakin at hindi ko alam pero bigla nalang akong napaiyak sa sakit, dahilan para pagtinginan kami ng mga studyante sa paligid.   "Matador ano bang ginawa mo?! Halika dadalhin kita sa clinic!" sabi ni Lucan saka ko binuhat nang pabridal style.   Di na ako umangal pa at narinig ko din ang bulung-bulungan sa paligid at nang mapatingin ako kay Wieran ay nakita kong nag-aalala syang nakatingin sakin pero di sya sumunod samin.   ***   Nang matapos akong dalhin sa clinic ay dinalhan ako ng pagkain ni Lucan.   "Matador mag-iingat ka na sa susunod ah? Huwag ka kasi balahura kumilos!" naiinis na sabi nya sakin at hahawakan sana nya ako sa ulo ng umiwas ako.   "O-oo mag-iingat na ako pero pwedeng usog ka dun naiilang ako sayo e." sabi ko sa kanya.   "Alam mo Unique, masyadong obvious ang pagiging die harded mo kay Wieran! Sinabi na nga namin sayong no girls ang motto nun eh! Sakin ka nalang pangako walang mananakit sayo dahil pag sinaktan ka nila bubugbugin ko sila." sabi ni Rigo saka pinagsalubong ang mga kamao nya kaya ngumiwi naman ako.   "Mas nati-thrill ako sa lalaking walang interes sakin di gaya nyo na halatang gusto akong maging isa sa mga naging laruan nyo!" sabi ko saka kumagat ng burger atsaka lumabas ng iika-ika.   "Matador gusto mong i-piggy back ride nalang kita?" tanong sakin ni Lucan kaya naman agad akong umiling sa kanya.   "Hindi na, mauna na kayo sa room may dadaanan lang ako." sabi ko sa kanila at di na sila sumagot pa at saka umalis na.   Kahit hirap akong maglakad ay pinilit kong pumunta sa canteen para bumili ng snack at balak kong ibigay kay Wieran yun para malaman niyang di ako galit sa kanya. Napangiti ako ng maalala ko ang maamong mukha nya.   Nagmadali na kong pumunta sa room nang makita ko si Wieran na kausap ang class president namin na si Akesiah. Nasa harapang upuan si Akesiah habang nakaupo naman si Wieran sa likod kung saan talaga siya nakaupo. Napahawak ako ng mahigpit sa snack na hawak ko nang makita kong nagkangitian silang dalawa na parang may pinag-uusapan.   "Matador!" napalingon ako kay Lucan na magkasalubong ang kilay at nang sulyapan ko si Wieran ay nagtatakang napatingin siya sakin.   Inirapan ko siya saka ko pumunta sa may basurahan at saka tinapon ang snack na dapat ay kay Wieran ko ibibigay saka ako padabog na umupo sa upuan ko.   "Hala, may problema ba Matador?" Nag-aalalang tanong sakin ni Lucan.   Pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang selos. Hindi nga ako pinapansin ni Wieran pero ibang babae naman ang pinapansin nya!   Muli akong napalingon sa kanila at nakita kong nagkatawanan sila ng mahina kaya naikuyom ko ang kamao ko.   "Ang iingay nyo! Hindi pa ba kayo tapos maglandian sa harap ko?!" sigaw ko sa kanila dahilan para mapatingin silang dalawa sakin.   "A-ahh... hindi naman kasi kami naglalandian Yunika may pinaguusapan lang s-saka nasa gilid mo kami wala kami sa harapan mo." sabi ni Akesiah saka ngumiti ng pilit.   Napalingon ako kay Lucan saka ko kinuha ang braso nya saka kinurot sya ng malakas para mailabas ko ang sama ng loob ko.   "A-araaaayyyyy! M-matador masakit!" daing nya sakin kaya sinimangutan ko sya saka ko tumakbo sa labas ng classroom.   Pumunta ko sa may umbrella saka ko umiyak dun. Hindi ko alam lung bakit ba ako umiiyak eh sanay naman akong magselos sa mga babaeng nadikit sa mga crush ko eh! Pero ito kasi iba, di ako pinapansin ni Wieran wala syang paki alam sakin kaya bakit bako umaasa?   "Unique! Wag kana nga umiyak! Sabi ko kasi sayong wag kana umasa kay Wieran eh! Ang kulit mo din kasi!" naiinis na sabi ni Rigo sakin.   "A-ano bang paki nyo?! Siya nga ang gusto ko eh ano bang mahirap intindihin dun!" nakasimangot na sabi ko.   "A-ahhh ehhh... tahan na Matador nasa loob na sila ma'am baka mapagalitan na tayo." sabi ni Lucan.   Padabog akong naglakad pabalik ng room saka naupo sa seat ko.   Nilaru-laro ko ang ballpen ko at nang sumulyap ako kay Wieran ay napatingin ako sa ilalim ng table nya.   Hala?! Yun yung snack na ibibigay ko sa kanya ah? Bakit nasa table nya na?   "OHMYGOOODDDD!" tili ko saka ko napatayo sa kinauupuan ko.   "Ms. Matador!" sita ni ma'am kaya napapahiyang napatingin ako sa buong classroom at pansin kong lahat na sakin ang atensyon.   Oh my god! B-bakit kinikilig ako?!   ---      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD