“Brayden, please.” Agad ko siyang pinutol. Hindi ko kinaya marinig ang susunod niyang sasabihin. Lumingon siya sa akin. Ngayon lang ulit nagtagpo ang mga mata namin. At doon ko nakita kung gaano sila kalamig. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong inabot ang kamay niyang nasa manibela. Hinawakan ko iyon. “Please…” bulong ko habang nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. Humigpit ang panga niya pero hindi niya inalis ang kamay niya sa hawak ko. “Tapusin natin ang kontrata,” sabi ko, halos pakiusap. “Three years… iyon ang napagkasunduan natin.” Hindi siya agad nagsalita. “Brayden…” dagdag ko habang lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. “Please.” Napapikit ako sandali dahil sa sakit sa dibdib ko. “Huwag muna natin pag-usapan ito,” sabi ko habang nangi

