Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking glass wall ng condo. Floor-to-ceiling ang salamin kaya kitang-kita ang buong lungsod sa labas. Ngunit ngayong gabi halos wala akong makita dahil sa malakas na ulan. Bumubuhos ang tubig sa salamin habang kumikislap ang mga ilaw ng siyudad sa likod nito. Nakasuot lang ako ng manipis na robe habang nakapulupot ang mga braso ko sa sarili ko. Three days na. Tatlong araw nang nasa out of town si Brayden. May concert siya sa ibang probinsya at pagkatapos noon may taping pa raw. Tumawag ako sa kanya kagabi. Hindi niya sinagot. Tumawag ulit ako kaninang umaga. Wala pa ring sagot. Ganito ang buhay ko sa loob ng tatlong taon. Ang maghintay. Maghintay na baka isang araw mamahalin niya ako. Minsan kapag nakakainom siya, bumabalik ang usapan tungkol sa baby

