Ang lalaking minahal ko ng maraming taon. Dahan-dahan akong tumikhim para kunin ang atensyon niya. Napahinto ang pagsusulat niya.mUnti-unti siyang napatingala. At nang makita niya ako, ang unang lumitaw sa mukha niya ay hindi tuwa. Kundi malamig na ekspresyon. Parang hindi siya natuwa na naroon ako. “What are you doing here?” malamig niyang tanong. Pagkatapos ay bahagyang sumandal sa upuan. “After leaving me this morning.” Parang may konting inis pa rin sa boses niya pero hindi ko na pinansin. Lumapit ako sa mesa niya habang hawak ang mga papeles. “Inabot sa akin ng manager mo,” sabi ko habang inilalapag ang mga iyon sa desk niya. “Need daw ng signature mo.” Sandali niyang tiningnan ang stack ng documents bago niya hinila palapit. “Just leave it there.” Tumango ako at nanatiling na

