Hindi na ako naghintay ng sagot. Tumalikod ako at tuluyang lumabas ng opisina ni Brayden. Habang naglalakad ako palabas ng restaurant, pakiramdam ko bawat hakbang ay mas mabigat kaysa sa nauna. Pero hindi ako lumingon. Hindi na. Dahil alam kong kapag ginawa ko iyon, baka hindi ko kayanin ang makita silang magkasama. At ayokong masira sa harap nila. Hindi na ngayon. Hindi na kailanman. PAGKALABAS ko ng restaurant ay agad akong huminto sa gilid ng walkway. Mainit ang hangin sa labas at medyo maingay ang paligid dahil sa mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Huminga ako nang malalim bago ko kinuha ang cellphone ko mula sa bag. Hindi ko na pinatagal pa. Dinayal ko agad ang numero ni Attorney. Ilang segundo lang ay sinagot na niya ang tawag. “Yes, Hailey?” mahinahon niyang bati mula sa ka

