And this time. Ako naman ang pipili sa sarili ko. Para sa akin. Lalo na sa mga anak ko. At para sa buhay na wala siya. DAHAN-DAHAN akong bumangon mula sa kama, ramdam pa rin ang bigat ng katawan ko at ang natitirang init mula sa nangyari kagabi. Saglit akong napatigil sa gilid ng kama, saka huminga nang malalim, pinipilit pakalmahin ang sarili ko. Today is our third wedding anniversary. Napapikit ako sandali. Hope kahit ito man lang… maging memorable. Wala na akong ibang hinihingi. Kahit isang maayos na gabi lang. Kahit isang beses na maramdaman kong… asawa niya ako. Tahimik akong tumayo at pupunta sana sa banyo para maghilamos, sakto namang bumukas ang pinto at lumabas si Brayden. Bagong ligo na, may towel na nakasabit sa balikat habang pinupunasan niya iyon. Amoy fresh siya, clean

