Napahawak ako sa tiyan ko nang mahigpit. Bigla akong kinapos ng hininga. Parang doon na lang ako nakakapit sa natitirang lakas ko. “Can you be my girlfriend?” tanong niya, diretso at puno ng sigurado. “I promise I’ll love you right. I’ll protect you. I’ll make you feel like the queen you are.” Queen. Sa loob ng tatlong taon, ni minsan hindi niya ako tinrato nang ganun. Ni minsan hindi niya ako piniling mahalin nang buo. Pero ngayon, sa harap ng lahat, kaya niya palang gawin pero sa iba nga lang. Ang sakit. Nakakamatay sa sakit. Tumango si Kathryn, umiiyak pero masaya. “Yes. I’ve been waiting for this.” Sumabog ang paligid sa palakpakan at sigawan. Tuwang-tuwa ang lahat para sa kanila. Para sa pag-ibig na kitang-kita. Para sa lalaking handang ipaglaban ang nararamdaman niya. Nagyakap

