Tahimik lang si Connor, pero matigas ang mukha. “Sabi ko sa’yo noon pa,” madiin niyang sabi. “Ayusin mo na habang maaga pa.” Walang sagot si Brayden. “Hindi mo ginawa,” dugtong niya. “Ngayon umiiyak ka.” Napatingin si Brayden sa kanya, puno ng sakit ang mga mata. Connor sighed, saka umiling. “Tumayo ka,” utos niya ulit, mas kalmado pero seryoso. “Ayusin mo sarili mo. Hindi pwedeng ganito ka.” Hindi gumalaw si Brayden. Sa halip, mas lalo lang siyang napaiyak. Hindi niya pinigilan ang sarili. Wala na siyang pakialam. Kung makita man siya ni Connor na ganito, wala na. Kasi napagtanto niya kung gaano siya ka-walang kwentang tao. TAHIMIK lang si Connor habang pinagmamasdan si Brayden na nakaupo sa sofa, basang-basa pa rin ang damit, magulo ang buhok, at halatang wala sa sarili. Ilang m

