Tahimik ulit. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya. “Go there,” dagdag niya, this time mas mahina na. “Mag-isip ka. Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo. Kung gusto mo pa bang ayusin… o tuluyan mo na lang susukuan.” Napayuko ako, wala pa ring masabi. Pero sa loob ko, alam kong tama siya. Hindi ko lang alam kung kaya ko. Napaupo ako nang maayos sa sofa, nakatingin lang sa wala habang unti-unting nagsisink in sa akin ang sinabi ni Ate. Huminga ako nang malalim, saka pumikit sandali. Maybe she’s right. Maybe I really need to get out of here. “I’ll go,” sabi ko ulit, this time mas malinaw na ang boses ko kahit may pagod pa rin. “Pupunta ako sa Caranglan.” Napansin kong bahagyang gumaan ang expression ni Ate. “Good,” sagot niya agad. “At least may direction ka na.” Napayuko ako,

