Chapter 85: It's time-1

711 Words

Chapter 85 Hailey Sophia Medrano SA LOOB ng sasakyan, hindi ko maiwasang kabahan nang sobra. Hindi ito simpleng gabi lang, ito ‘yong gabi na ipapakilala ako ni Marxius bilang asawa niya. Ilang beses ko na itong tinanggihan noon, ilang beses ko ring gustong umatras, pero ngayon… nandito na ako. Hindi dahil kay Brayden. Hindi para sa nakaraan. Kundi para kay Marxius… at sa mga taong gusto niyang balikan. Humigpit ang hawak ko sa maliit na clutch ko habang nakatanaw sa bintana. Kita ko ang ilaw ng plaza mula sa malayo, may mga banderitas, may sounds na umaalingawngaw kahit nasa loob pa kami ng sasakyan. Ramdam ko ang pag-abot ni Marxius sa kamay ko. “Relax,” mahina niyang sabi, parang alam niya kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko. Napalingon ako sa kanya. Hindi ako nagsinungaling.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD