Chapter 96 Hailey Sophia Medrano TAHIMIK ang loob ng sasakyan pero ang lakas ng t***k ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung alin ba talaga ang nangingibabaw sa nararamdaman ko, kaba o takot. Siguro pareho lang. Parehong bumabalot sa akin habang palapit kami sa lugar kung saan kami lagi noon. Napatingin ako sa kambal. Tahimik sila, parehong nakatingala sa akin na parang hinihintay kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanila. Huminga ako nang malalim at binaling ang tingin sa labas. Sa mansion sa Alabang. Doon nakaburol si Lolo Anthony. Kumirot ang dibdib ko. Kahit hindi niya ako tunay na apo, hindi niya ako kailanman tinrato na iba. Mas ramdam ko pa nga minsan na mas mahal niya ako kaysa sa iba ni

