Chapter 98: Collapsed-1

714 Words

Chapter 98 Hailey Sophia Medrano TUMIGAS ang mukha ni Trice, hindi man lang natinag sa mga sinabi ko. Mas lalo pa siyang umabante ng kaunti, parang ayaw magpatalo. “Dapat sinabi mo pa rin ang totoo,” giit niya, diretsong nakatingin sa akin. “Para kami ang kumontra sa kanya. Para kami ang kumalaban para sa’yo.” Napatawa ako nang mahina, pero halatang pagod na ang tunog. “Talaga?” tanong ko, taas noo, pero ramdam ang kirot. “You really think ganon kadali ‘yon?” Hindi pa rin siya nagpatinag. “Hindi mo kami binigyan ng chance,” sagot niya agad. “Ang nangyari, iniwan mo na lang siya, naglaho ka. Kung hindi pa nangyari ‘to, hindi ka pa magpapakita.” Bahagyang kumunot ang noo ko. “At ngayon,” dugtong niya, mas bumigat ang boses, “ang lumalabas, siya ang masama. Lahat nasa kanya ang sisi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD