At bawat tawa niya, parang may karayom na tumutusok sa tenga ko. Ang bawat tingin ni Brayden sa kanya, ay umaapaw sa paghanga Yumuko ako at pilit nilunok ang sakit sa dibdib ko. Hindi ako iiyak dito. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harap nila. If this is a game, I know how to play. Pero habang nakatingin ako sa reflection ko sa wine glass, pakiramdam ko hindi ako kasama sa mesa. NAGBUBULUNGAN si Kath at Brayden. Ang sarap ng tawa ni Kath, matamis at masaya, may pahampas-hampas pa siya sa balikat ni Brayden na parang sila lang ang nasa mesa. Parang sila lang ang may sariling mundo. “Grabe ka kasi,” natatawa niyang sabi. “You’re exaggerating!” “I’m not,” sagot ni Brayden, nakangiti rin. “You almost cried that day.” “Excuse me? Ikaw kaya ang praning,” sabay hampas ulit sa kanya.

