“Tapos na practice ko,” sagot niya, maikli. “May lakad pa ako after this. So… make it quick.” May kung anong kumirot sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. “Brayden…” tumingin ako sa kanya pero siya, nakatitig pa rin sa windshield. “Kailangan mo lang makinig. Kahit hindi ka muna mag-react.” Dahil sa sinabi ko bahagyang siyang lumingon sa akin. Ang mga mata niya, malamig and guarded. “Depende sa sasabihin mo.” Ramdam ko ang ultrasound paper sa loob ng bag ko. Parang umiinit ang balat ko sa kaba. Ito na talaga ito. Hindi na ako puwedeng umatras. PAKIRAMDAM ko ngayon maririnig niya ang t***k ng puso ko sa sobrang lakas. Dahan-dahan kong hinugot sa loob ng bag ko ang ultrasound result. Nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng aircon o sa bigat ng sandaling ito

