Chapter 77 THIRD POV TATLONG araw na si Brayden sa Caranglan at sa unang pagkakataon, hindi siya nagigising na mabigat agad ang dibdib. Tahimik ang lugar, ibang klase ang tahimik. Walang busina, walang sigawan, walang camera na nakaabang. Ang nakikita lang niya araw-araw ay puro luntiang bundok, parang walang katapusan, at ang hangin na malamig at presko sa pakiramdam. Sa umaga, huni ng mga ibon ang gumigising sa kanya, hindi alarm, hindi tawag ng manager. At kahit papaano, unti-unti siyang nasasanay. Ngayon, nakaupo siya sa isang duyan na nakasabit sa pagitan ng dalawang puno sa gilid ng bahay. Hawak niya ang gitara niya, dahan-dahan niyang tinutugtog, walang kanta, puro himig lang. Minsan tumitigil siya, napapatingin sa malayo, sa mga bundok na parang nakayakap sa buong lugar. May m

