Nagpatuloy ang officiant sa maikling sermon. Tungkol sa pag-unawa, tungkol sa pagsubok sa pagsasama. Hindi ko na halos marinig ang iba. Parang may humahampas sa tenga ko na sariling t***k ng puso ko. “Pwede na kayong magpalitan ng singsing.” Inabot ni Brayden ang maliit na kahon mula sa bulsa niya. Simpleng gold band. Walang design. Walang engraving. Kinuha niya ang kamay ko. Doon ko lang naramdaman ang hawak niya mula kanina. Isinuot niya ang singsing sa daliri ko nang hindi nagsasalita. Tiningnan ko ang singsing. Simple lang at mabigat sa pakiramdam. Ako naman ang kumuha ng isa pang singsing. Hinawakan ko ang kamay niya. Mas malaki ang kamay niya, mas matigas. Isinuot ko iyon sa kanya. “Sa bisa ng batas at ng aking tungkulin,” sabi ng officiant, “idinideklara ko kayong mag-asawa.”

