Napatingin ako sa kanya. “So… priority ako today?” biro ko, pero may halong seryoso. Bahagya siyang ngumiti. “You are.” Saglit akong natahimik. Alam kong bukas babalik siya sa stage. Sa spotlight at sa kanyang kauna–unahang concert. Alam kong paglabas namin dito, kailangan naming mag–hiwalay ng sasakyan. Hindi kami pwedeng magkasabay sa harap ng tao. Secret pa rin kami. Pero ang mahalaga ngayon. Habang nakatayo siya sa tabi ko, habang hawak niya ang kamay ko nang hindi iniisip kung may makakakita. Pinili kong makuntento. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tanggapin ang ganitong setup. Pero habang naririnig ko sa isip ko ang t***k ng puso ng anak namin. Mas malinaw sa akin ang isang bagay. Hindi ako mag–isa. At sa kabila ng lahat, hindi rin tuluyang tinalikuran ni Brayde

