Chapter 15 Hailey Sophia Medrano ISANG linggo muli ang lumipas. Inalis ko si Brayden sa sistema ko. Napatawa ako nang pagak. Wala naman akong dapat alisin. Dahil hindi naman siya nagpapakita. Kahit simpleng “kumusta” wala. Busy siya sa career niya. Nakikita ko sa social media. May taping. May mall show. May guesting. May bagong single na ipo-promote. Lagi siyang may kasama, at kadalasan, si Kath. Ang bilis niyang sumikat lalo. Power couple ang peg nila sa interviews. May chemistry raw. Bagay raw. Pinipilit kong hindi manood pero minsan, hindi mo maiiwasang makita. Kaya binaling ko ang sarili ko sa ibang bagay. Clinic. New clients. Expansion plans. Family dinners. Meetings. Routine. “Girl, this is your chance,” sabi ni Mara habang nagkakape kami sa pantry ng clinic. “Single ka. Succ

