Chapter 100 Hailey Sophia Medrano “I’M sorry, Hailey, if—” Hindi na natuloy ang sasabihin niya. Mabilis na humarang si Marxius sa pagitan namin, isang hakbang lang pero sapat na para matakpan ako. Diretso ang tingin niya kay Brayden, malamig at babala agad ang dating. “Back off,” mababa pero mabigat ang boses niya. Tumigas ang mukha ni Brayden. Kita ko agad sa paraan ng pagtitig niya kay Marxius na hindi siya uurong. Lalo siyang tumuwid, parang handang makipagsabayan. Halos pareho sila ng tangkad at built, parehong dominante ang presensya. Walang gustong magpatalo. Nagkatinginan sila nang ilang segundo. Walang nagsasalita pero ramdam na ramdam ang tensyon. Parang konting galaw lang, sasabog agad. Pero sa huli, si Brayden ang unang umiwas ng tingin. Hindi dahil talo siya, kundi dahi

