Chapter 69 Brayden Jaydrian Madrigal KINALAMPAG ko ang gate ng bahay ni Mara, paulit-ulit, parang doon ko ibinubuhos lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Wala akong pakialam kung madaling araw na, kung makagising ako ng buong bahay o kahit mabulabog ko ang buong subdivision. Sa likod ko, nararamdaman ko ang presensya ng dalawang guard na nakasunod sa akin, pero wala silang lakas ng loob na lapitan ako. Kita nila sa itsura ko na wala akong pakialam sa kahit sino ngayon. “Buksan mo ito!” sigaw ko habang paulit-ulit na hinahampas ang gate. “Mara! Lumabas ka diyan!” Sunod-sunod ang tahol ng mga aso sa loob, lalong dumagdag sa ingay. Ilang segundo pa, may ilaw na bumukas sa loob ng kwarto sa second floor, may veranda sa labas. Hindi ako tumigil. Mas lalo ko pang nilakasan ang pagkala

