Chapter 38 Hailey Sophia Medrano MALAKAS ang katok sa pinto. It was firm. Sure. Parang alam ng kumakatok na may tao sa loob at hindi siya aalis hangga’t hindi binubuksan. Napalingon ako kay Brayden. Nasa gilid siya ng kama ko, naka–upong kalmado na parang hindi kami nasa alanganing sitwasyon. Ang puso ko, halos tumalon na palabas ng dibdib ko. “Brayden,” mahina pero madiin kong bulong. “Window. Tumalon ka sa bintana.” Nginuso ko ang bintana. Pero ang gago? Nagkibit–balikat lang. “As if,” sagot niya, parang bored pa. Tumayo siya, inayos ang suot niyang shirt, saka humakbang papunta sa pinto ko. Gusto kong mapasigaw. “Are you crazy?” pabulong kong sigaw, pero hindi siya lumingon. Hindi man lang siya nataranta. Isang segundo pa, bumukas na ang pinto. Pakiramdam ko namutla ako. Nanlami

