Chapter 71 THIRD POV DALAWANG araw nang hindi makontak ni Connor ang cellphone ni Brayden. Calls, texts, kahit sa group chat nila, wala. Walang seen, walang reply. Hindi iyon normal. Kahit gaano ka-busy si Brayden, hindi iyon mawawala nang ganun na lang. Kaya ngayon, nandito siya sa condo nito. Kumatok siya nang sunod-sunod sa pinto. “Brayden! Open the door!” sigaw niya, pero walang sagot. Napatingin siya sa relo niya. 8:00 AM. “Damn it…” bulong niya sa sarili. “Before 10 dapat nasa hotel na tayo.” May event sila sa isang five-star hotel sa Makati. Sasalubungin nila ang bagong may-ari ng recording company na humahawak sa career nila. Big deal iyon. Hindi basta-basta. Isa ang banda nila sa pinaka-in demand ngayon, tipong kahit saan sila mag-perform, sold out agad. Kilala sila, hinaha

