Chapter 60 Hailey Sophia Medrano MAHIGPIT ang hawak ko sa bag habang naglalakad papunta sa restaurant na pag-aari ni Brayden. Buo na ang desisyon ko ngayong araw. Kailangan ko nang matapos ang lahat bago pa ako mawalan ng lakas ng loob. Kung may isang lugar na sigurado akong pupuntahan ni Brayden kapag may extra time siya, dito iyon. Kahit sikat siyang singer, kahit puno ang schedule niya sa concerts at recordings, mahilig pa rin siyang pumunta rito para magluto. Cooking had always been his escape. Kapag gusto niyang mapag-isa, kapag gusto niyang ilayo ang sarili sa spotlight, dito siya pumupunta. Hindi lang siya sikat na singer. Isa rin siyang successful business owner. Habang papalapit ako sa entrance ng restaurant, pakiramdam ko lalo pang bumibigat ang bag na hawak ko. Alam kong n

