Chapter 27 Hailey Sophia Medrano SA VERANDA kami naupo para sa meryenda. Mahaba ang mesa, kahoy din tulad ng halos lahat sa bahay. May native plates, may woven placemats, may mga baso ng fresh buko juice at kapeng barako. “Food tasting ito ha,” masayang sabi ni Gina habang inaayos ang mga plato. “Magbubukas kami ng maliit na kainan sa bayan. Breakfast place. Gusto ko may lugaw station sa umaga.” “Wow, Ate, that’s nice,” sabi ko, pilit na ngumiti. Sa harap ko, may mangkok ng special lugaw. Makapal ang sabaw, maraming toppings. May toasted garlic sa ibabaw, may itlog, may laman, may chopped spring onions. Sa tabi, may puto, suman, turon, pati mini ensaymada. Hindi ako maarte sa pagkain. Lugaw is comfort food for me. Ilang beses ko na itong kinain lalo na kapag pagod ako galing clinic.

