Chapter 49 Hailey Sophia Medrano RAMDAN ko ang titig ni Brayden kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya. Pero sa huli napatingin din ako. At doon ko nakita ang mga mata niya, malamig. Halos kasing lamig ng yelo. Nakapako sa akin na parang may gusto siyang itanong, o baka may gusto siyang ipaalala. Hindi niya nagustuhan na nandito ako. Halatang-halata iyon. Napalunok ako. Ano ba talaga ang ikinagagalit niya? Dahil ba baka may makaalam? Baka may makaalam na buntis ako? Baka mabuking ang sikreto namin? Kung iyon ang iniisip niya… halos gusto kong matawa. Dahil kung tutuosin, ako ang may karapatang magalit. Ako ang nandito ngayon habang pinapanood kung paano kumapit si Kath sa kanya na parang walang ibang tao sa paligid. Yung braso ni Kath halos nakapulupot na sa braso ni Brayden.

