Chapter 51 Hailey Sophia Medrano HINDI ko na halos mapigilan ang paghinga ko dahil sa paulit-ulit na kirot sa puson ko. Parang may humihila sa loob, parang malakas na menstrual cramps na hindi tumitigil. Sa tabi ko lang, si Brayden ay halatang iritado. Nakapamulsa siya at nakatingin sa ibang direksiyon, parang wala siyang gana sa eksenang ito. “Just go back to the condo,” sabi niya sa malamig na tono. “Hintayin mo na lang ako doon.” Napatingin ako sa kanya kahit nanlalabo ang paningin ko. “Mas maganda na iyon,” dagdag pa niya habang umiiling nang bahagya. “Para maiwasan ninyo ni Kath ang isa’t isa.” Biglang kumirot ulit ang puson ko. Napaimpit ako ng hininga. Napahawak ako nang mas mahigpit sa tiyan ko habang bahagyang yumuyuko sa sakit. Halos hindi ko mapigilan ang pagdaing. I in

