Chapter 12: Nananadya

1690 Words

Chapter 12 Hailey Sophia Medrano LUNCH time na. Nasa isang café kami malapit sa clinic. Maingay sa paligid, tunog ng kubyertos, mababang usapan, may tumatawang grupo sa isang sulok, pero parang naka-mute ang lahat para sa akin. Nakatitig lang ako sa pagkain sa harap ko. Pasta na malamig na. Hindi ko man lang napansin kung kailan pa iyon dumating. One week na. Isang linggo na simula nang bumalik ako galing La Union. Isang linggo ring walang kahit anong paramdam si Brayden. Walang biglang sulpot sa condo. Walang “I cooked breakfast.” Walang pang-aasar. Wala lahat. Mas okay pa noong wala pang nangyari sa amin. Mas simple. Mas malinaw. At hindi ganito kabigat huminga. Kanina, habang nag-aayos ako ng chart ng pasyente, may naka-play na TV sa waiting area. Naabutan ko ang interview niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD