"Dhen, gising na. Wala ba kayong practice?" dinig kong sabi ni Kuya.
"Hmmm." nakapikit kong sagot.
"Dhen!!! Nandiyan si Kate sa labas!" sigaw ni Kuya kaya napamulat ako sa sinabi niya.
"Nasaan???" naupo ako sa kama.
"HAHAHAHA. Oh diba nagising kita bumangon ka na diyan at baka ma-late ka pa." Si Kuya talaga!!! Naalala ko tuloy yung babaeng yun!!!
Naligo na ko tsaka na umalis ng bahay. Nakatanggap ako ng text galing kay coach na cancelled daw ang practice at heto ako ngayon ang aga aga.
"Excuse me, pwedeng magtanong?" biglang lapit sa akin nung lalaki na mukhang hindi naman estudyante dito.
"Nagtatanong ka na." masungit na sabi ko.
"Alam mo ba saan ang building ng mga Seniors?" tanong nito.
"Kita mo yung building na 'yon? Doon ang building namin." turo ko sa kanya.
"Ah nevermind." Gulo kausap ng mokong na yun!!
"Hello Thams! Nasaan ka na?" Nilabas niya ang phone niya at mukhang may tatawagan. 'Thams??' Saan ko kasi narinig yun?
"Ah sige, hintayin nalang kita dito." Hindi ko alam bakit pati ako naghihintay na makita yung kausap niya.
"Good morning Thams!!!! Saan ka galing?" KATE???????
"Good morning. Nagbreakfast ka na?" tanong nung lalaki.
"Hindi pa nga eh, tinatamad kasi akong magluto kanina. Hehe." sagot ni Kate.
"Kailan ka ba sumipag?" Anong relasyon nila? Sumimangot lang si Kate. Lokong lalaking to ah!
"Joke lang? tara magbreakfast muna tayo sa labas." aya nung lalaki.
"You know me so much Thams!!" masiglang sabi ni Kate at umalis na sila sa harapan ko.
Kailangan kong malaman kung sino siya sa buhay ni Kate. But, who I will ask, then? Ah tama!!! Si Sandra! Hinanap ko siya sa oval ng school pero wala siya kaya pumunta nalang ako sa room.
"Sandra!!!" tawag ko sa kanya at naupo sa pwesto ni Kate.
"Anong kailangan mo?" Sungit naman nito.
"Tanong ko lang kung sino yung kasama ni Kate sa labas kanina?" usisa ko.
"Mukha bang nakita ko? Nandito ako oh." makakatikim to sakin hanggang mamaya! Hindi na nga ako mapakali namimilosipo pa.
"Thams??" banggit ko sa endearment nila.
"What??" napsigaw si Sandra sa sinabi ko kaya lalo akong nacurious kung sino ang lalaking yon.
"Thams." pag-uulit ko sa nakakadiring tawagan nila. "Nandito si Lorenzo?!!?" tanong niya sa akin.
"Anong relasyon niya kay Kate?" tanong ko at nag-iba agad ang reaksyon niya sa tinanong ko.
"Bakit interesado ka? Type mo si Kate?" daretsang tanong niya.
"Nagtatanong lang naman." pagdadahilan ko.
"Hindi sila na parang sila." sagot niya.
"Huh???" naguguluhan na sabi ko.
"Basta ganun sila since elementary." sabi ni Sandra.
"Hoy Dhen." tawag sa akin ni Sandra.
"Ano?" tanong ko habang iniiwasan magtama ang mga mata namin.
"Baka nakakalimutan mo yung rule natin?" paalala ni Sandra.
"Oo alam ko!!!" sigaw ko sa kanya.
"Pinapaalala ko lang, huwag kang OA." seryosong sabi ni Sandra.
"Advance ka kasi mag-isip." sabi ko sa kanya.
"Because I know it will happen soon. Kaya pinapaalalahanan lang kita habang maaga pa." masyadong tamang hinala kaya lalo akong nahihirapan.
"Oo na. Daming mong dada." sabi ko at tumayo na para bumalik sa pwesto ko.
"Hey Bal!!!" Nakabalik na pala siya.
"Oh musta?" tanong ni Sandra. Nagbukas ako ng libro at kuwaring nagbabasa pero ang totoo makikinig lang sa usapan nila.
"Nasa labas kanina si Thams nagbreakfast kami kaya dinalhan na din kita." sabi ni Kate at inabot ang pagkain kay Sandra.
"Thanks! Buti nandito siya?" tanong ni Sandra.
"Nagpaalam lang sakin, pupunta daw siya sa Davao para sa business nila doon." kwento ni Kate. Sumulyap sa akin si Sandra kaya nahuli iya akong nakikinig.
"Kaya bumalik siya dito para dun?" pagkumpirma ni Sandra.
"Oo daw eh, titingnan lang daw niya then babalik siya bukas ng gabi." malungkot na sabi ni Kate.
"Diba sa inyo siya tumutuloy? Buti nauna siya sayo dito?" Ano??? Sa kanila sila tumitira??? Bakit!!!
"May inasikaso lang daw saglit." sagot ni Kate.
Bakit hindi nalang siya bumalik sa pinanggalingan niya!!! Epal to eh.
LORENZO'S POV
Hi! I'm Lorenzo Diwa. Childhood bestfriend nila Kate and Sandra. Umuwi lang ako para sa business namin. Ayoko sanang magpakita kina Kate and Sandra pero last na din 'to kaya susulitin ko na! After kasi ng project sa Davao uuwi na ko sa Netherlands.
Alam ko naman na gusto ni Dhen si Kate kaya ipapaubaya ko na siya sa kanya dahil may fiance na 'ko. Arranged marriage kumbaga. No choice but to accept it. Anyways, ilang days nalang ako dito kaya minamadali ko na yung project sa Davao.
"Thams? Saan ka?" tanong ko.
"Sa School pa. Why?" sagot nito.
"Labas tayo after School mo." aya ko.
"Sige ba! Bal laba.." sasabihan sana nya si Sandra pero pinigilan ko.
"Wait!" pigil ko sa kanya.
"Bakit?" tanong naman niya.
"Pwede tayong dalawa muna? Next time nalang si Sandra." pagdadahilan ko.
"Ah ok sige." sang-ayon naman niya.
"Saan mo gustong kumain Thams?" tanong ko pagkatapos ko siyang sunduin.
"Sa Mcdo nalang Thams." sagot nito.
"Ah sige. Lets go?" aya ko at umalis na nga kami.
May kutob na siguro si Thams bakit kami lang dalawa. Nagorder muna ako bago ko sinimulan.
"Thams..." tawag ko sa kanya.
"Yes?" tanong naman niya habang kumakain.
"Babalik na ako sa Netherlands." paalam ko sa kanya.
"Bukas???" tanong niya.
"No. In 2 weeks." Nalungkot siya bigla. Ayoko din naman na paasahin si Thams.
"Diba may promise tayo sa isa't isa dati?" paalala ko.
"Na tayong dalawa hanggang sa huli?" tinuloy niya ang dapat na sasabihin ko.
"Oo Thams, but it's different now." sabi ko.
"Huh? Hindi kita maintindihan." naguguluhan niyang tanong.
"Hindi ko na kasi mapapangako yung promise na yun from now on." sabi ko.
"Why?" Huwag ka namang umiyak thams. Huhuhu. Tanga lang Lorenzo? Siyempre iiyak yan!!!
"Cause i have Fiance in Netherlands. Business alam mo na." alam kong alam ni Kate ang ibig kong sabihin.
"Now I understand." Tapos umalis na siya. Hindi ko na siya napigilan kasi kahit ako hiyang hiya sa nagawa ko. I'm so sorry Thams. Baka kasi maawa ka lang sakin kapag nalaman mo kung gaano kita pinaglaban.