Heart Point of View
Bakit ganito ang buhay ko? Ginawa ko lang naman ay mahalin siya pero bakit hindi niya akong kayang mahalin? Ginawa ko ang lahat para lang mahalin niya ako nag paalila ako, tiniis ko ang mga p*******t na ginagawa niya pati ang pag babalewala niya sa akin pero hindi ko na ata to kakayanin pati ang sanang magiging anak namin ay pinag hihinalaan niya, masakit para sa akin ang sinabi niya kanina dahil alam ko sa sarili ko na siya lang. siya lang ang taong naka galaw sa akin.
Umiiyak lang ako ng umiiyak dito sa kwarto ko kailan kaya ako mauubusan ng luha? Kailan kaya matutuyo ang mga luha ko na yan?
Kinuha ko ang litrato na naka tago sa isa kong Drawer, ang first Alrasound ko ang kauna unahan litrato ng baby ko
"Anak pasensya ka na ha? Pasensya ka na dahil hindi ka naprotektahan ni Mommy wala kasing kwenta ang mommy mo e, kaya pati ikaw ay nawala niya. Baby patawarin mo ako." alam kong para na akong baliw na mag isang nag sasalita habbang nakatingin sa isang litrato, ang sakit sakit na nang nararamdaman ko, hindi ko na kaya.
Siguro kung hindi ko ginawa ang kasunungalingan na ginawa ko dati, malamang ngayon ay masaya na ako na pasulyap sulyap lang sakanya sa malayo, siguro ngayon hindi ko nahihirapan ang hirap na dinadanas ko sa kamay niya at siguro ngayon ay ibang iba ang buhay ko.
Siguro tama si Bessy , kailangan ko nang sumuko sakanya. kailangan ko nang oras para ayusin ang sarili ko, masyado ko siyang minahal na halos wala na akong tinira sa sarili ko.
Siguro kailangan ko nang sumuko sakanya, wala ng mararating tong relasyon namin, wala rin akong maasahan sa pamilya ko basta ngayon ang alam kong makakatulong sakin ay si Christian , si Christian na laging nandyan sa akin na kayang ipag palit ang lahat mapasaya at mapatigil lang ako sa pag iyak. bakit ko ba siya Binusted dati?
Kung siya kaya ang pinili ko magiging masaya na siguro ako, isang maalaga, makumbaba at mabait na Christian? Ibang iba sila ni Dave, si Dave na minahal ko ng todo pero kahit katiting walang na isukli sakin kundi ang p*******t at pang babalewala.
Humiga ako sa kama ko, sa kama kung saan nasaksihan ang pag iyak ko , nasaksihan kung gaanong dugo at sugat na naidulot sakin ni Dave at nasaksihan kung gaano ako naging kasaya nang malaman na buntis ako na nasaksihan rin kung gaano ako nasaktan nang mawala ang kaisa isang bagay na iningatan ko.
Tuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko, isang araw. isang araw wala nang tutulong luha sa mga mata ko ng dahil sakanya.
Dave Point of View
Napahilamos nalang ako ng mukha ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw ko siyang mawala pero ako mismo ang gumagawa nang paraan upang mapilitang umalis siya, ako mismo ang dahilan kung bakit pumapatak ang mga luha niya.
Tumingin ako sa kwarto niya hindi na siya lumabas at siguradong umiiyak nanaman ang tanga tanga mo naman kasi Dave!
"San ka pupunta, bat ang dami mong bitbit?" natataranta na ako, may mga dala na siyang damit at may maleta na siyang hawak.
Aalis siya iiwan niya ako , hindi hindi ako papayag.
"Hindi ba Obvious Dave, suko na ako ikaw na ang panalo at ako na ang talo. Siguro masisimulan mo na ang mga plano mo dahil wala na ako sa landas mo" ang lamig nang pananalita niya, mas malamig ngayon kesa nung nakaraan.
Pumatak na ang luha ko, hindi ako papayag di ako papayag na iwan niya ako.
"Hindi, hindi ka aalis heart dito ka lang sa bahay bawal m-mo akong iwan." hindi ko na maiwasang pumiyok, natatakot na ako.
Natatakot na tuluyan niya na akong iwan.
"Sino nag sabi Dave? ikaw?" umiling lang siya bago tumalikod, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Inunahan ko siya papunta sa pinto , hindi ako papayag na iwan niya ako.
"Please Heart, wag mo akong iwan nag mamaka awa ako" lumuhod na ako sa harap niya, hahalikan ko ang paa niya, pag sisilbihan ko siya katulad nang ginawa niya sa akin wag niya lang akong iwan.
"Tumabi ka dyan Dave." umiling lang ako, naka tayo lang siya sa harap ko at parang walang narinig.
Tumalikod siya, nag lakad siya pabalik pero sa kusina siya tumuloy narinig ko ang pag kalansing nang mga nababasag kaya't agad akong tumakbo para tignan ang nangyayari.
Ang daming bubog sa sahig, ang daming nabasag na gamit tumingin ako kay Heart dumudugo ang kanang kamay niya.
"Heart, yung kamay mo dumudugo." sabay turo ko sa kamay niyang patuloy sa pag agos ng dugo.
"Ito ba?" sabay taas niya ng kamay niya.
"Wala pa to sa mga p*******t mo sakin, Dave, walang wala to sa pag mamaltrato mo sakin na parang hayop, walang wala to sa pang babalewala mo sakin pero Mas WALANG WALA TO SA PAG KAWALA NG ANAK KO." nag umipisa nang tumulo ang luha niya pero di pa rin mawawala ang lamig sa mga boses niya.
"Heart, halika gagamutin natin ang sugat mo." lumapit ako sakanya pero imiisod siya patalikod.
"Sige, subukan mong lumapit dave hindi akong mag dadalawang isap na mag laslas." para akong nabuhusan sa sinabi niya, may hawak na siya ngayong basag na plato at idinikit sa pulso niya.
Hindi ako gumalaw. Natatakot akong baka igalaw niya ang basag na platong yun sa Pulso niya.
"Heart pag usapan natin to, pls ibaba mo yan hindi na ako lalapit." pero wala, hindi niya binaba ang basag na plato at mas lalo niyang idiniin sa pulso niya.
Nakita ko ang kanyang pagpikit at nilapit lalo ang bubog sa kanyang pulso.
"Please nag mamakaawa ako sa heart wag mong ituloy yan, please. " pero wala siyang narinig at tuluyan ng hiniwa ang pulso niya, nag umpisang tumulo ang mga dugo galing dun.
Natigilan ako hindi ko alam kung anong gagawin, tumingin ako sakanya nakatingin siya sa pulso niyang dumudugo
"Mag kakasama rin tayo anak ko." huling sinabi niya at "HEARTH!"