Chapter-34

2025 Words

KYLE POV. HABANG patungo kami sa lugar na gustong puntahan ng aking anak ay panay ang tanong ko sa kanya. At natutuwa naman ako sa mga sagot niya dahil lahat ay sinasabi sa akin. Ang hindi ko lang nagugustuhan ay ang tungkol kay Lexus. At wala naman akong dapat sisihin sa pangyayaring yon dahil ako naman ang may kasalanan. Dahil sa lintik na pride na ‘to kaya nangyari ang ganito sa buhay ko. “Princess, palaging nasa bahay niyo ba ang Daddy Ninong Lexus?” "Opo Daddy ko, minsan doon po siya natutulog.” Muli akong nakaramdam ng galit at pagkuyom ang kamao sa aking mga nalaman. At ngayon pa lamang ay parang gusto ko na siyang puntahan. Hilahin palabas ng bahay at magbugbugan kami hanggang isa na sa amin ay tuluyang mawala sa landas ni Zoey. Dahil sa mga nangyayari ay mas nahihirapan na ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD