Chapter 5

1021 Words
BETTY's POV Preston. Umayos na naman ako ng higa habang inaalala kung saan ko narinig 'yung pangalan na 'yon. He's seems so familiar. I think I met him before. Or baka nagi-imagine lang ako? Ginulo ko buhok ko dahil sa iniisip ko. Bakit ko ba siya iniisip? Hindi ako makatulog. Buti na lang pala at wala akong pasok bukas. Pwede akong mag-puyat. Tumayo ako at pumunta sa sala para manood ng TV kaso hindi ko maenjoy 'yung palabas dahil hindi ko trip. Nagawa ko na siguro lahat ng pwede kong gawin pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nagjacket na ako at dinala 'yung pepper spray ko. Bumili na ako kanina para just in case na mangyari sa akin ulit 'yung ginawa ni Jim, may pang-defend ako sa sarili ko. Nilock ko 'yung bahay bago ako umalis at naglakad lakad na sa gilid ng kalsada. Nasa city 'yung bahay namin kaya kahit gitna ng gabi ay buhay na buhay ang bawat establishments. Pumunta ako sa park kung saan ako madalas mag-laro noong bata ako at umupo sa may swing. Tahimik ang gabi. Maraming stars ngayon at sobrang liwanag ng buwan. Masarap sana mag-star gazing kaso masakit sa leeg dahil hindi ako nakahiga. Napalingon ako noong may narinig ako na parang away. Agad akong nagtago sa malaking halaman at sinilip sila. Hindi ko naman pinapahamak sarili ko 'no? Napatakip ako sa bibig ko noong nakita ko na si Preston 'yung binubugbog nila. Dalawang lalaki ang sumusuntok tapos nasa likod no'n si...Jim? Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tatawag na sana ng pulis nang may humablot sa cellphone ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si Jim. Bigla akong kinabahan. "Nandito ka pala, Betty." sabi niya habang ngi-ngisi ngisi sa akin. Sa sobrang kaba ay bigla ko siyang inisprayn ng pepper spray sa mata. Sinipa ko rin siya sa pagitan niya kaya napasigaw siya at napahiga. Tumakbo na ako pero bigla akong hinawakan sa pulso no'ng isa kaya nagspray din ako sa mata niya. Nakita ko na wala nang malay sa sahig si Preston kaya ginising ko siya. Kinuha ko 'yung cellphone ko at tumawag ng pulis. Hinarang ko 'yon sa natirang lalaki. "Subukan mong lumapit. Anytime, sasagot itong pulis at ipapakulong ko kayong lahat." sabi ko sakaniya. Tumakbo 'yon papalapit sa kasama niya at binuhat paalis. Iniwan niya si Jim na ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit. Pinadampot ko na rin siya sa pulis at inuwi muna sa bahay si Preston. Buti na lang at mabuti ang kalooban no'ng pulis at hinatid kami sa bahay ko. Nagpasalamat ulit ako noong nakababa na kami. Maingat ko siyang hiniga sa kama at ginamot 'yung mga sugat niya. Hindi naman siya lasing pero tulog lang. Naawa ako. I mean, kasalanan ko 'to. Siya 'yung tumulong sa akin kanina kaya siya nabugbog. Kahit natutulog siya. Gwapo pa rin. Sayang nga lang at mukhang ilang linggo niya ring iindain itong pasa at sugat sa mukha niya. Idadampi ko na sana 'yung bulak sa sugat niya sa labi nang bigla itong magising. "Ano...inuwi muna kita kasi...hindi ka pa gumigising mula kanina." sabi ko sakaniya habang tinitignan pa rin niya ako. Idadampi ko na sana agad 'yung bulak kaso tinabig niya ito. Tinignan ko siya. "Ayaw mo bang gumaling 'yan sugat—" "Huwag mo akong hawakan." sabi niya at mabilis na umalis. Naiwan akong nakatulala sa kawalan pagkatapos niya itong sabihin. Nilingon ko 'yung pinto at parang may kumirot sa dibdib ko. Inayos ko na lahat ng kalat sa sala. Akala ko babalik ba siya pero alas dose na ay hindi na siya bumalik. Baka umuwi na. Sumilip ako sa bintana ko nang maaninag ko siya pero nakayuko siya sa puno na nasa tapat lang ng bahay. Dahil alam ko naman na mahina pa siya, mabilis ko siyang sinaklolohan at pinuntahan. "Gabi na. Ano pa ang ginagawa mo r'yan?" sabi ko sakaniya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Umupo ako sa tapat niya at sinilip siya. Tulog na ata. Tinapik tapik ko 'yung balikat niya para magising siya. "Pumasok ka muna. Masyadong malamig dito sa labas. Bukas ka na umuwi." sabi ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin at naglakad kaya sinigawan ko siya. "Edi huwag! Ikaw na nga itong inaalok ko napakachoosy mo!" sigaw ko sakaniya at bumalik sa loob ng bahay. Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na sa kwarto ko. Kung ayaw niya. Edi huwag. Hindi naman siya kawalan. Nagmamagandang loob lang ako kasi niligtas niya ako kanina pero sumobra na naman siya sa ugali niya. Bakit ba ako nagagalit? Choice naman niya na hindi ko siya tulungan. Malakas kong tinulak 'yung pinto ko at bumagsak sa kama ko Nakwento ko rin sa mga kaibigan ko 'yung nangyari pero sabi ni Naya na intindihin ko raw baka wala sa mood. Parang kasalanan ko pa na wala siya sa mood noong ginagamot ko siya? Quits na kami. Niligtas niya ako, niligtas ko siya. "Bff, patience kasi. Malay mo wala lang talaga siya sa mood na kausapin ka kasi nabugbog. Kung ngangakngakan mo 'yan tapos masakit katawan, talagang maiinis siya. Grabe na 'yan buhok mo. Napakahaba. Halika nga rito at makakalbo kita. Napakasarap ng tulog ko rito." sabi ni Naya sa kabilang linya. Umirap ako. "Thank you na lang sa akin. Salamat sa akin kasi buti nandoon ako." sabi ko habang nagpapagulong gulong sa kama. Hindi rin ako nakatiis at sumilip sa bintana. Ang rupok. Wala naman siya. Sumilip pa ako sa kabilang bintana kaso wala talaga siya. Chineck ko na lang ulit kung nalock ko ba 'yung mga pinto sa baba. Baka mamaya e maakyat bahay ako. Napansin ko rin na nahulog ko pala 'yung pepper spray ko sa park. Mahal pa naman bili ko ro'n. Ala una na pala ng madaling araw noong nakauwi ako. Kaya pala sinigawan ako ni Phob at Naya dahil malalim na ang gabi. Bumuntong hininga ako. Kumusta kaya siya? Nakauwi na kaya? Hindi ako nagaalalala sakaniya. Curious lang ako kasi hindi pa magaling pasa niya sa mukha. Makatulog na nga lang. Note: Sorry, hindi agad na-upload. Anyways, I'll try ko make 3 updates every week.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD