CHAPTER 8

1502 Words
BETTY's POV Masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Naya pagkatapos kong patayin 'yung tawag. Inirapan ko siya at inismiran.  "Alam mo sayang ka. What if pagpaligaw ka na sakaniya? Mukhang bet ka naman ata. Yie. Ba't ka tinawagan?" sunod sunod na tanong niya sa akin habang kinikilig pa rin.  Napatingin ako sa screen ng phone ko dahil tumatawag ulit si Jared at bigla nilang hinablot ang phone ko. "Ano ba! Ibalik niyo nga 'yan." sabi ko sakanila at sa kasamaang palad ay nasagot na nila ito at video call pa nga. Kita ko ang gulat sa mukha ni Jared nang ibang mukha ang tumambad sakaniya. Agad siyang binati ng mga kaibigan ko at dinaldalan siya nito.  "Ohh. Talaga ba, Papi Jared? Aayain mo sanang lumabas si Betty? Sensiya ka na ha? Pakipot kasi 'tong bff ko. Magi-isang taon na 'yang walang jowa. Baka gusto mong jowain? Emz." demonyitang sabi ni Naya sakaniya at sumasabay sabay pa si Phob sakaniya. "Actually, I'm planning to invite her for a simple dinner. To catch up things since limited lang ang time namin yesterday but may ginagawa ata siya so I'll ask her na lang next time." napatingin ako sakaniya at nginitian ako.  Huminga ka, Betty.  Agad na nag-wala ang mga kaibigan ko habang ibinigay sa akin ang phone ko. Nang matauhan ay bumalik ulit sa tabi ko at kinausap ulit siya.  "Ano ka ba, Jared, hindi siya busy. Katatapos niya lang sa gawain bahay at buong araw na magpapahinga para sa dinner niyo tonight. 'Di ba, Betty?" sabi ni Naya at kinurot at ni Phob para pumayag.  "Ano kasi, Jared-" "Yes, pupunta siya. Susunduin mo ba? Text mo na lang siya for the details dahil mag-make over pa siya para hindi siya haggard sa date este simple dinner niyo."  Pinatay na ni Naya ang phone at agad naman akong itinulak papuntang kwarto ko. "Maligo ka na. May pupuntahan tayo." sabi niya at agad na isinara ang kwarto ko. Napakamot ako sa ulo at walang choice kundi maligo at mag-ayos. Ano naman kayang mukha ang ihaharap ko mamaya kay Jared?  Bago ako magtungo sa cr ay chineck ko muna kung anong mga damit ko ang available at...wala. Gusto ko mag-panic kaso dapat calm ako. May gano'n ba? Ah, basta. Wala akong maayos na maisusuot. Tinignan ko ang wall clock ko at wala pang 12pm. Pwede pa ako bumili ng susuotin. Humiram kaya ako kay Naya? Kaso super sexy no'ng mga damit niya na kita ang chest.  Sinipat ko ang mukha ko sa salamin. Wala namang eyebags at pimples. Buti na lang. Teka, ba't ba ako conscious sa mukha ko?  Lumarga na ako papunta sa cr at you know naligo at naghilod. Kahiya naman baka habang kumakain kami e may mahulog na libag. Charot. Ang dugyot ko. Pasintabi po sa nagbabasa.  Nang matapos ay agad akong nagbihis ng simpleng bestida para mabilis ko lang masukat 'yung bibilhin ko mamaya. Hindi naman mataba braso ko at 'di ako bloated. Buti na lang. Nakakahiya kayang makiharap kapag gano'n. Naglagay ako ng kaunting make up at hinayaang ilugay ang buhok ko na lagpas hanggang kili kili ko.  Nakaabang na 'yong dalawa sa sala at excited na lumabas. Inirapan ko silang dalawa. Nagpasya kaming iisang kotse na lang ang gagamitin para less hassle sa pag-park at sa pag-drive. Si Phob na ang nagmaneho at kami naman ni Naya ang prenteng nakaupo lang. Kaya pala ako pinaligo dahil sa mall talaga ang sadya namin.  Halos libutin na ata namin lahat ng mall para tignan lahat ng damit. Nagkanda ngalay ngalay na 'tong kamay at paa ko sa paglalakad at pagbubuhat ng shopping bags. Marami pa raw kaming pupuntahan sabi ni Naya. Para namang kaya kong isuot lahat 'tong mga damit na binili namin mamaya. Isa lang naman ang gagamitin ko pero parang ipapamigay na ata ako dahil sa dami ng binibili namin.  "Try mo nga 'to. Feeling ko mas bagay mo 'yan kaysa sa mga nauna nating binili." sabi niya sa akin. Pang-sampung beses na ata niya 'yang sinabi at wala akong choice kundi isukat 'yon. Maganda. Bagay sa 'kin Umikot ikot muna ako sa harap ng malaking salamin bago lumabas. "Ay shet. Napaka-perfect, teh. 'Yan na lang ang gamtin mo tapos 'tong mga susunod ay para sa next date niyo. Yie." panunukso niya sa akin. Inirapan ko siya at bumalik na ulit sa loob para magpalit. Super ganda ng damit 'yon. And agree rin ako na 'yon na lang ang gagamitin. Puti na simple lang naman ang design kaso magmumukha kang eligante kapag sinuot mo 'yon.  Pagkalabas namin ay agad na tumunog ang sikmura ko. Gutom na ako. Hindi pa ako nag-agahan dahil sa dalawang 'to.  "Pwede bang mag-break muna tayo? Nagugutom na ako and super sakit na ng paa ko." sabi ko sakanila kaso hindi ako pinansin at tuloy tuloy lang sila sa paglalakad at pumasok na naman sa isang shop.  Napairap na lang ako sa gutom. Wala rin naman akong choice kundi sumama sakanila dahil wala akong kasama at wala rin talaga akong choice.  Sunod naman naming binili ay pabango? Minsan ang sarap nilang sampalin.  "Pangit naman if hindi first impression sa'yo e hindi mabango. Ano 'yan? Ganda lang ambag mo, Betty? Mahiya ka naman sa ka-date mo." sabi ni Naya habang nagt-test ng mga pabango. Mabango naman ako kahit walang pabango. Pasimple ko pang inamoy sarili ko. Oo nga. Bango ko.  "Try mo 'to. Amoy prutas. Para kang namumulaklak diyan." aniya habang iba ang tingin sa akin.  "Dami mong alam, Naya. Bilhin na natin 'to at kumain na tayo. Alas kwatro na." sabi ko sakaniya at dumiretso sa counter.  Nag-drive thru na kami pag-uwi dahil mas matatagalan kami kapag nag-dine in pa kami. Marami pa namang arte 'tong kasama ko lalo na si Phob na marami na namang ipapaasikaso sa mga crew. Saktong 4:30 ay nakauwi na ako. Sinabihan ko na silang umuwi dahil for sure mala-late ako kapag kasama ko silang dalawa.   Pagkapasok ko ay inakyat ko muna sa kwarto ko ang mga binili namin at dumiretso na sa kusina. Gutom na gutom na ako. Double order pa ang ginawa ko dahil feeling ko hindi kakasya sa akin 'tong steak.  Habang kumakain ay bilang nag-ring ang phone ko and nakita kong si Jared ang tumatawag. Inayos ko ang upo bago sagutan.  "Hello?" sagot ko. "Sunduin kita mamayang 7pm, pwede?" ani niya sa maalumanay na boses.  "S-Sige. 7pm sharp." balik ko sakaniya at binigay ang location ko and ngumiti. Sinabi naman niya na kabisado pa rin niya ang daan papunta sa bahay ko dahil kadadaan lang niya rin kahapon sa para bumisita rito sa subdivision namin.  "See you, Betty." sabi niya.  Ako na ang pumatay sa call at tinignan ang orasan. 5 minutes before mag-five. Dapat na akong mag-ayos. Dapat before 6:40 nakaayos na ako. Kahit gutom na gutom ay 'yung isang order ko lang inubos ko at pumasok na sa kwarto para mag-ayos.  Hindi naman ako nahirapan sa pag-pili ng damit at agad na itong sinukat. Halos mag-panic ako no'ng makita kong malapit na mag-7 o'clock at hindi pa ako tapos sa pagaayos. Buhok ko talaga ang matrabaho dahil mahaba rin at hindi ko alam kung itatali ko ba o ilulugay.  Pumunta na ako sa sala at naghintay sa sala. Paminsan minsan kong sinisipat ang sarili ko sa salamin. Saktong alas siete na kaya napagpasyahan kong sumilip sa labas pero wala pa siya. Baka na-late.  Nag-scroll na lang muna ako sa phone ko and sunod sunod na ang message ng mga kaibigan ko sa akin. Sinabi ko naman na wala pa siya at nag-wawala na si Naya.  Saktong 7:30 noong lumabas ako para sipatin if paparating na ba siya pero wala. Ba't kaya wala pa siya? Nagugutom na naman ako. Kumain kaya muna ako? Sayang naman make up ko and if madumihan damit ko kung kakain na ako.  Malapit na mag-alas nuebe pero wala pa rin siya. Napairap ako. Text ko na lang kaya siya? Hindi ko alam if maghihintay pa ako dahil 9pm na.  Nakita kong umilaw ang phone ko and may text kaso hindi mula sakaniya. About pala sa TNT auto text. Napabuntong hininga ako at hinubad na ang heels ko. Ang sakit sakit ng paa ko kakalakad dito. Ayoko na. Hindi ko na siya hihintayin. Kumain na ako and gutom pa ako. Naiinis ako. Pwede namang mag-update if hindi matutuloy 'di ba? Hindi 'yong pinagmumukha kang tanga? Lumabas ako at pumunta sa pinakamalapit na convience store. Edi sana kanina pa ako kumain. Hindi naman pala ako sisiputin. Naka-online pa. Ewan ko na lang. Doon na ako sa loob kumain at kung minamalas, umulan. Wala akong dalang payong. Naka-dress pa ako at naka-tsinelas lang. Mukha tuloy akong ewan sa damit ko habang nakahawak ng ice cream. Biglang kumulog ng malakas kaya napaatras ako at bigla akong may nabunggo. Napaupo kami sa sahig dahil pati siya at nawalan ng balanse. Kita kong natalsikan ng ice cream 'yung white dress ko. Kung minamalas nga . Inis ko itong nilingon at nabigla no'ng mamukhaan ko ito. "Preston?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD