Summer Vacation
Two weeks have passed since nagkasakit ako ay mas lalo akong nastress kay Sir Levis dahil sa biglang pag-uwi nito galing taping na halos sermonan na siya ni Mam Lessandra. Paano ba naman nalaman niya na nandito si Hance sa bahay nila ay bigla itong umalis sa taping. Tumawag ang direktor kay Mam Lessandra at sinabi ay biglang umalis si Levis sa taping tinatawagan ito pero di naman sumasagot. Nalaman na lang namin na hiniram nito ang helicopter ni Diego, ang kaibigan nito sa showbiz.
"Anteh" nilingon ko si Keith.
"Bakit?" tanong ko.
"Matagal ko nang napapansin yan si Sir na kapag nandito si Sir Hance ay bigla na lamang uuwi rito dati rati kapag nandito si Sir Hance ay di biglang umuuwi si Levis at hinahayaan lang niya pero ngayon parang may binabakod itong si Sir" bigla itong tumingin sa akin.
"Oy! Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ko.
"Wala lang" umiwas ito ng tingin.
"Mimi where's my snack" hinila ni Levin ang damit ko.
"Baby, tara doon tayo sa mesa" inaya na ni Keith ang bata para magmeryenda.
"Asan na po si Sir Levis, Manang?" Tanong ko.
"Pinagpahinga muna pagkatapos sermonan ni Lessandra" napailing na lang ako.
Ang totoo niyan kaya pumunta dito si Hance ay dahil kay Karen. Gusto nito pakiusapan si Karen na magtrabaho bilang personal assistant ni Hance kaya lang ayaw talaga ni Karen at dinadahilan na kailangan niyang asikasuhin ang mga requirements para sa pagpasok niya ng college this year pero sinabi naman ni Hance na siya na ang bahala dun pero ayaw talaga niya eh. Di ko alam kung anong reason niya kung bakit di pa rin niya pa rin magawang tanggapin ang offer ni Hance pero naalala ko ang sinabi ni Karen na may gustong iba si Hance na ayaw niyang tuluyang masaktan. Palaisipan din sa akin ang mga sinabi niya at naguguluhan na rin.
"Alam mo eto na sana yung opportunity na makasama si Sir Hance pero ikaw naman itong ayaw. Nagdahilan ka pa na magenroll ka at mag-aayos ng requirements pero matagal pa naman yung pasukan at di pa open yung UP Los Baños for admission" sermon ni Keith.
"Ikaw baka gusto mo pwede kitang recommend kay Sir Hance" inirapan lang siya ni Keith.
"Kung pwede sana matagal ko nang ginawa eh kaya lang ikaw talaga yung gusto nung maging P.A niya" medyo napaisip ako sa sinabi ni Keith.
"Wait lang Keith ah kakausapin ko lang si Karen" tumango naman ito at hinila ko si Karen palabas ng kusina at lumabas kami sa may swimming pool baka marinig kami. Di pa naman nila alam ang nangyayari sa bahay dahil na rin sa pakiusap ko kina Karen at Manang Sally na wag muna nila ikuwento sa kanila lalo na sa pamilya nila ni Sir Levis.
"Bakit?" lumapit ako sa kanya.
"Di mo ba napapansin"
"Na alin?" takang tanong niya.
"Yung kinikilos niya parang katulad ni Sir Levis" biglang siyang nagulat.
"Dahil ba sa sinabi ni Keith" tumango ako.
"Zoey, ayokong maging assuming at parehas tayong nararamdaman kaya mas mabuti na lang muna na wag mo na lang pansinin ang mga kinikilos nila baka masaktan lang tayo. Alalahanin mo artista sila, katulong lang ako, ikaw babalik ka na sa Nueva Ecija pagsapit ng June." Paliwanag niya. Di naman ako maka-react sa sinabi niya.
"Tara na balik na tayo baka may makakita pa sa atin dito at baka rin magtaka si Keith" tumango na lang ako at pumasok na sa loob.
Si Karen at si Manang Indang pa lang ang nakakaalam sa balak kong pagbalik sa Nueva Ecija ng June.
***
Andito kaming lahat sa living room dahil may mahalagang announcement si Mam Lessandra. Katabi ko ngayon ang mag-ama pero nag-aaway ang mga ito dahil gusto ako ang makatabi nila.
"Daddy" kinakalabit ni Levin ang daddy niya.
"Baby, behave" saway ng ama.
"But I want to beside Mimi kanina ka pa po diyan" maktol ni Levin.
"Just stay behave may announcement si Lola oh" tinuro niya si Mam Lessandra.
"No, I want to beside her" mukhang di na nga talaga titigil ang mag-ama sa pag-aaway kaya pumunta na si Mam Lexie at tumabi sa mag-ama.
"Sige na Zoey pumunta ka na kay Karen" tumayo na ako at pumunta sa gawi ni Karen.
"Ehem! Beside holy week na next week we have a vacation trip" nanlaki ang mga mata namin sa announcement ni Mam Lessandra.
"Kasama po kaming lahat?" Tumango naman si Mam Lessandra.
"Kyahh! Makakapagswimming na rin sa dagat"
"At makakapagrelax pa tayo" excited nilang sabi.
"Pero Lessandra walang maiiwan sa bahay para maglinis or magbantay ng bahay" biglang singit ni Manang Indang.
"Wag po kayong mag-alala may pupunta naman pong taga-linis ng bahay mga 4 times a week po silang maglilinis dun" sabi niya.
"Saan nga ba tayo pupunta Mom?"
"Sa El Nido sa Palawan"
***
Pagkarating namin sa El Nido ay bumungad sa amin ang napakainit ng panahon.
"Napakaganda dito parang gusto ko nang tumira dito" napatawa na lang kami ni Karen dahil sa gusto ni Keith.
"Naku! Kung papayagan ka ng mga magulang mo"
"Edi kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at nakahanap ng magandang trabaho" napangiti na lang ako buti pa sila alam nila na mag-aaral pa sila pero sina Sir Levis at Levin ay wala pang alam sa plano kong pagbalik sa pag-aaral.
"Bigla kang natahimik Zoey?" Umiling ako.
"Bakit di mo na lang sinabi nung una?" Napaiwas ako ng tingin.
"Sa pakiusap na rin ni Mam Lessandra na wag munang sabihin sa mag-ama. Gusto ko rin man sabihin kaya lang nakiusap na si Mam Lessandra na siya na lang daw ang bahala magpaliwanag" paliwanag ko.
Sinabi ko na ito kay Mam Lessandra na sasabihin ko na pero si Mam Lessandra ay nakiusap siya na wag ko raw munang sabihin siya na daw ang bahala.
"Oy! Tara na" tinawag na kami ni Keith at pumunta na kami sa hotel kung saan kami magstay.
***
"So may nakareserve na ako ng mga room dito" bungad na sabi ni Mam Lessandra at katabi niya si Sir Valerio.
"Kami na lang ni Manang magtatabi Mam" presinta ni Ate Odette.
"Gusto kong makatabi si Manang, Odette" reklamo ni Ate Lolita.
"Naku nagreklamo sa akin si Manang di daw siya makatulog ang lakas mo daw humilik" napatawa kami ng malakas.
"Tabi na lang kayo ni Mindy" suggest ni Ate Odette.
"Ayoko nga! Baka di rin ako makatulog sa lakas niyang humilik"
"Same din kami" sagot nung dalawa pero tumingin sa akin si Ate Lolita.
"Sorry girls sa amin si Zoey" nabigla kami nang biglang nagsalita si Sir Levis.
"Are you sure Levis?" Biglang tanong ni Mam Lessandra.
"Baka kasi hanapin siya ni Levin" sagot niya.
" Iho, di magandang makita na magkatabi kayo baka kung ano isipin ng mga tao dito" paliwanag ni Manang Indang. Namula naman ang mukha ko.
"Uy! Namumula siya" kuntyaw ng dalawa. Sa bwisit ko ay sabay ko sila siniko at napainda sa sakit.
"Patutulugin na lang muna ni Zoey si Levin bago siya bumalik sa room niya" biglang nagsalita si Mam Lessandra.
"Magtabi na lang po kayo ate" sabi ko.
"Sige na nga pero wag kang magalit kapag sinipa kita dahil lang sa lakas mong humilik" Walang choice ang dalawa kung di sumunod. Pgero tumingin sa amin sina Ate Odette.
"Eh kayo" tinuro kaming tatlo.
"Magkatabi po kaming tatlo ate sa isang room" sambit ni Keith.
"Oy! Kayong dalawa baka sinasama niyo itong si Zoey sa mga kalokohan niyo" singit ni Ate Mindy.
"Ate, don't worry kwentong crush lang ang pag-uusapan namin di ba?" tumingin sa amin pero napalunok ako bigla dahil feeling ko may masamang nakatitig sa akin.
"Bakit?" Umiling ako pero nanlaki ang mata mukhang nagets niya rin.
"Wag mo na lang pansinin si Keith" bulong niya. Tumango na lang ako.
"O siya magpahinga na kayo" nagsialisan na ang mga kasama namin at pumunta na sa mga kani-kanilang kwarto.
"Karen, pakidala itong gamit ko pupuntahan ko lang yung mag-ama" kinuha nito ang gamit ko.
"Bumalik ka rin agad noh" tumango ako. Pumunta na ako sa kwarto ng mag-ama.
"Mimi" niyakap naman ako ni Levin pero ang daddy nito ay naging tahimik.
"Baby, parang ang tahimik ng daddy mo"
"Kasi po narinig po kasi niya yung crush thingy niyo po" napaamang ang mga labi ko.
"Ganun ba naku puro kalokohan yan si Keith kaya minsan napapagalitan siya ni Manang dahil nadadamay kami sa mga kalokohan niya" paliwanag ko.
'Sorry Keith'
"Change clothes ka muna" pumunta ako at hinanap ang maleta nila. Pinahiga ko ito at binuksan ang maleta. Kumuha ako ng damit ni Levin pati na rin sa daddy nito.
"Eto yung damit mo and sa daddy mo give mo na sa kanya" sabi ko.
"Bakit po di ikaw ang magbigay nito?" Napatingin na lang ako sa taong nakatalikod sa amin at nakatingin lang sa labas.
"Baby aayusin ko pa yung things mo dito and hahanapin ko pa yung tablet mo" sabi ko na lang.
"Okay" kumubit balikat na lang ito at binigay ang damit nito sa daddy niya.
"Thank you baby" tumingin ako sa mag-ama pero nakatingin na rin sa akin si Sir Levis at iniwas ko ang paningin ko at itinuon ko sa paghahanap ng tablet niya.
"Linisin mo muna siya ako na ang maghanap sa tablet ni Levin" umangat ang paningin ko at nasa harap ko na pala si Sir Levis.
"Okay po" tumayo na ako at inaya ko na si Levin para pumunta sa banyo.
Tahimik pa rin ako naglilinis kay Levin at alam kong napansin iyon ng bata.
"Why are you silent Mimi?" bumalik ako sa wisyo ng nagsalita si Levin.
"Wala baby may iniisip lang ako" palusot ko. Tumingin lang sa akin si Levin.
"Tara na baby magbihis ka na" kinuha ko ang towel nito at pinunasan na siya saka ko ito binihisan.
"Tapos na po ako daddy" lumabas na kami ng banyo at nakaupo si Sir Levis sa kama.
"Pumunta ka na sa room mo at isama mo na rin si Levin I take a shower lang" tumango ako at kinuha na ang tablet ni Levin saka pa lang kami lumabas.
"Ano kayang magandang suutin eto or ito" naabutan namin ang dalawa na namimili ng mga swimsuit.
"Nandito ka na pala" tumango ako.
"Ikaw ba may dala kang swimsuit?" Umiling ako.
"Bakit?" maktol ng dalawa.
"Eh di naman ako maliligo babantayan ko si Levin saka tutulungan ko pa si Manang" sambit ko.
Gusto kasi ni Mam Lessandra na magluto na lang kami kaysa sa umorder pa ng pagkain.
"Ang kj mo" tumawa na lang ako.
"Baby dito ka muna sa tabi ni Ate Karen, magchange lang ako ng damit" tumango naman ito. Lumapit sa akin si Karen.
"Nilabasan na kita ng damit" kinuha ko ito pero pagkatingin ko ay nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ito.
"Siraulo ka ba Karen? Bakit mo ako pasusuutin ng ganito?" Tanong ko.
"Girl, beach ang pinuntahan natin hindi snow area" napairap na lang ako.
"You have no choice saka mayroon namang bathrobe oh" pinakita niya sa akin ito.
"Ang nipis kaya" sabi ko.
"Eto na lang" kinuha niya ang beach dress at napamangha ako.
"Ang ganda ah" sabi ko.
"Binili mo?" bigla itong natahimik.
"O-oo" utal niyang sagot. Tumango na lang ako.
"Palit na ako" pumasok na ako sa banyo at nagsimula nang magbihis.
***
"Kyahh! Ang ganda!" Tumakbo na sila Karen at Keith at nagtampisaw na sa dagat.
"Naku tuwang tuwa" napailing na lang sina ate Lolita at ate Mindy.
"Daddy!" Tumakbo ang bata sa ama. Pinababa na nila kami dahil may kausap pa ito kanina. Medyo nagulat nga lang ako dahil nakatitig si Sir sa akin.
"You look beautiful in that dress you're wearing" namula ang pisngi ko.
"Thank you po" tumalikod na ako at kinilig. Pumunta na ako sa pwesto nila Manang.
"Ano po yun niluluto niyo po?"
"Ginataang alimango na may hipon" napangiwi ako at napalunok dahil ito ang ulam namin ngayon lunch.
Di nga pala nila alam na may allergy ako sa mga seafood like alimango, hipon at pusit. Parehas kami ni Tasha na allergy sa mga yan.
"Bakit?" Umiling ako. Naglakad na lamang ako sa dalampasigan at ninamnam ang simoy ng hangin.
"Mimi, gawa tayo ng castle" hinila na ako ni Levin at pumunta kami sa buhanginan.
"Ayan, tapos na" natapos namin ang castle kaya lang di nga lang kagandahan.
"Zoey kakain na daw" napalunok ako bigla di dahil makakatabi ko na naman si Sir Levis kung di dahil sa ulam namin ngayong tanghali.
"Tara na daw baby kakain na daw" sambit ko.
***
"Wow! Seafood"
"Naku mapapalaban ako rito sa kanin"
"Parang ayaw ko nang kumain ng kanin" napatawa na lang kami sa sinabi ni Ate Lolita.
"Tara na baby, wash your hands na" inaya ko na siya at pumunta kami sa restroom para maghugas.
"We should eat na" kumuha na sila ng plato pero ako ay nakatunghay lamang sa kanila.
'Puro seafood talaga ang ulam namin' gusto ko na lang umiyak.
"Oh ikaw wala ka pang plato" di ako makaimik kapag sinabi ko na may allergy ako sa seafood ay baka sabihin masyado naman ako special para order pa ako ng ulam na di seafood.
"Ito na lang kukuha na lang ako doon" kahit napipilitan ay kinuha ko na lang ito.
"Hihimayin kita ng seafood" pinaghimay ni Sir Levis si Levin.
'In fairness kahit laki sa yaman ay marunong siyang kumain na nakakamay'
"Kumain ka na" nagulat ako na nilagyan niya ako ng pagkain sa plato. Pero pati mga kasama ko ay nagulat din.
"Hehehe thank you po Sir" kumuha na lang ako ng sabaw at nilagyan sa kanin.
"Di ka kukuha ng alimango at hipon iha" napilitan akong kumuha ng alimango at hipon. Sumubo ako ng kanin pero pagkasubo ko ay parang gusto ko nang umiyak dahil nag-uumpisa na nang mangati ang lalamunan ko. Kahit sabaw ay andun pa rin ang katas ng alimango at hipon.
"Masarap po di ba Mimi?" Tumango na lang ako at napainom ng tubig bigla.
"Are you okay?" tumango ako pero nagulat sila dahil sa nangyari sa mukha.
"Uy! Zoey namumula ka ata" bigla akong tumayo at napahawak sa dibdib dahil nag-uumpisa na akong di makahinga.
"Di ako makahinga" napahawak ako sa lamesa habang sapo ang dibdib.
"Zoey, Zoey!" Bigla akong natumba at nasalo naman ako ni Sir Levis.
"Allergy ka ba sa seafood?" biglang nagtanong si Mam Lessandra at tumango ako.
"Oh my gosh! Dalhin niyo na siya sa clinic" binuhat na ako ni Sir Levis at daling-dali akong dinala sa clinic at di ko namalayan ay nawalan na pala ako ng malay.
***
"Buti na lang may gamot dito for allergy" nagising na lang ako na may nag-uusap.
"Zoey, anong nararamdaman mo?" bilang nagtanong si Karen.
"Okay lang" nanghihina kong sabi.
"Wait, tatawagan ko muna sina Sir" lumabas muna si Karen.
Pumasok naman si Manang kasama sina Ate Lolita at Ate Odette
"Bakit di mo naman sinabi na may allergy ka sa mga seafood" sermon ni Manang.
"Pasensya na po manang ayoko lang po na umorder lang po kayo para sa akin kahit sabihin ko po na allergy po ako sa seafood" paliwanag ko.
"Kahit na pwede naman magdagdag ng ibang putahe" dagdag na sermon pa ni Manang.
"Andito na sina Sir" pumasok na sila at napalunok ako bigla dahil pag-alala nila lalo na si Sir Levis. Lumapit si Sir Levis sa gilid ko.
"Are you okay now?" tumango ako.
"Si Levin?"
"Na kina Lexie" napatango na lang ako.
"Why did you tell me na allergy ka sa seafood para masabi na rin kina manang na magluto ng another food?" tumingin ako sa kanya at sinagot ang tanong niya.
"Sir ayoko naman pong mapagod si Manang kapag dinagdagan pa po natin yung ulam para lang po sa akin" paliwanag ko.
"Kahit na buti na lang may gamot sila dito for allergy paano kung wala. Malayo ang hospital dito baka lumala pa yung kondisyon mo" pag-alala niya. Gusto kong lumingon pero di ko na lang ginawa.
"Gusto ko na pong bumalik sa room" sabi ko.
"Sige para makapagpahinga ka na rin" tumango na lang ako.
***
Nagising ako at 8:00 na pala ng gabi. Lumabas ako ng hotel room at bumaba nakita ko sila na nagkakatuwaan at nagluluto ng marshmallow dun sa bonfire.
'Ngayon ko lang naecounter na pwede pa lang magcamping sa beach kulang na lang may tent eh' humahagikgik na lang ako sa naisip ko.
"Oh, okay ka na ba?" ngumiti ako at tumango.
"Maglalakad na lang po muna ako" tumango naman sila. Naglakad na rin ako at pumunta sa dalampasigan para magtampisaw at nakakarelax habang dumadaloy ang tubig sa mga binti ko. Nakasuot ako ng floral dress dahil nahiligan ko na ito nung umuwi kami sa Cebu.
"Your here" tumingin ako sa likod at si Sir Levis pala at papunta rin sa gawi ko kung saan ako nagtatampisaw.
"Are you okay now?" tumango ako.
"Sorry po ah napahimbing ata yung tulog ko" nahihiya kong sabi.
"It's okay epekto lang ng gamot kaya napahimbing ang tulog mo" ngumiti na lang ako at biglang humangin na dumadaloy sa mukha ko.
"It's cold here" ngayon lang ako nakaramdam ng lamig at umalis na rin kami at pumunta sa may natumbang katawan ng niyog at umupo doon.
"Here" inabot sa akin ang jacket niya.
"Naku sir okay lang po baka nilalamig din kayo" tanggi ko.
"Sige na kakagaling mo lang di ba?" Wala akong choice kung di tanggapin ito.
"Thank you po sir" tumingin ako sa may dagat.
"Ang sarap langhapin yung hangin sa dagat, sayang nga lang po di ko po napanood yung sunset kanina"
"Pwede mo naman makita ulit bukas eh" napangiti na lang ako.
"Pero kahit di ko nakita ngayon ang sunset at maganda ngayon ang kalangitan at maraming bituin"
"Yeah, maganda nga" napalingon ako at namula ang mukha ko dahil sa akin pala nakatingin sa akin si Sir. Umiwas ako ng tingin.
"Ahmm, babalik po ba kayo sa taping after ng holy week?" Tanong ko
"Hmmm, yes and maraming endorsement na need kong puntahan" napatango na lang ako.
"What's your plan?" napatingin ako kay sir.
"About po?"
"Your future" bigla ako natahimik.
'Gustuhin ko man sabihin sayo pero di ko pwedeng pangunahan ang mommy mo'
"Hmmm, gusto ko lang po na makapagtapos ng pag-aaral" sabi ko.
"Ahmm mukhang malapit na pong lumalim ang gabi at baka na rin po hinahanap na rin po kayo ni Levin" iniba ko na rin ang usapan baka patagal ng patagal ay masasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Okay let's go" tumayo na siya at tumayo rin ako. Lumakad na kami at sa di ko inaasahan ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at napatingin ako bigla sa kamay namin na nakatiklop. Napangiti ako ng palihim at tiningnan ang nilalakad ko.
'Oh my gosh! Kyahh! Kinikilig ako!'
Papunta na rin kami sa pinagpuwestuhan nila na may narinig akong parang nagclick ng camera pero di ko pinansin yung baka pinicturan lang nila ang dagat dahil maganda itong pagmasdan at kunan ng litrato. Habang papunta na sa kanila ay nakasalubong namin si Ate Mindy at Ate Odette at nagulat sila na magkasiklop ang aming kamay at agad namin yung binitawan.
"Uy kanina ka pa hinahanap ng alaga mo" tumango ako.
"Sige po sir mauuna rin po ako" tumango na lang siya at nagpaalam na rin ako sa kanila.
Pinatulog ko muna si Levin bago ako pumasok sa room ko at nakasalubong ko sina Keith at Karen na nanunuksong tingin sa akin.
"Ano na naman?" pumunta ako sa kama at kinuha ang bag ko.
"Ano yung nababalitaan ko na magkahawak kayong kamay ni Sir?" sinamaan ko ng tingin ang dalawa.
"Tss wala" kinuha ko na ang mga damit ko at papunta na ng banyo.
"Sus! Wag kang mag-alala di nila sinabi kina Mam Lessandra yung nakita nila pero sagutin mo muna yung tanong namin" si Karen.
"Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag nagulat lang ako na biglang niyang hinawakan yung kamay ko" paliwanag ko. Kinikilig naman ang dalawa mukhang may alam na si Keith sa nangyayari.
"Siya pupunta na ako sa banyo" magtatanong sana ulit sila pero sinarado ko na ang banyo. Ayoko munang magcomment sa kanila.
***
Gising pa rin ako at yung dalawa ay mahimbing na ang tulog. Di pa rin kasi ako makatulog dahil na rin sa nangyari kanina. Di ko alam kung bakit niya yun ginawa pero parang nakalutang ako sa langit dahi lsa kilig na nararamdaman ko.
'Konting-konti na lang ay tuluyan na akong mahuhulog sayo at hiling ko na sana ay masalo mo ako sa aking pagkakahulog sayo'