HER 01: Burned

446 Words
Third person's POV Isang bayan sa Polaris ay may mga taong nakatayo sa harapan ng isang Mansion, The mansion of Marque. Nasusunog ito at pinapanood lang ng mga taong bayan na matupok ang mansion dahil malaki na ang apoy at alam nilang wala na silang magagawa upang tumigil ito. Nagulat na lamang ang mga tao ng mabalitaan na nasusunog at tinutupok na ng apoy ang Mansion. No one knows who and how the mansion burned. Ang mga tao ay may sari-sariling pinag uusapan katulad ng: "Jusko, mahabagin. Napakalaki ng sunog na ito. May nakakaalam ba kung sino ang sumunog ng mansion? Baka madamay ang mga katabing Gubat!" Nahahabag na saad ng isang matandang babae. "Ang sabi ng mga nakakita kanina ay wala silang nakitang sinuman sa loob na pwedeng gumawa nito. Nakita na lang daw nila na malaki na ang ampoy. Buti nga at wala ng mga tao diyan, tiyak na patay ang sino mang nasa loob niyan kung nagkataon." tugon ng katabi ng matanda. Ang mga mamamayan ng Estellar ay hindi maipinta ang reaksyon. May mga nagulat, natakot, at nalungkot sa nasaksihan. Nakaramdam pa rin sila ng lungkot kahit na kinatatakutan nila ang pamilyang nag mamay-ari ng Mansion na ngayon ay natutupok na ng apoy. "Hala, siya, Kailangan ko ng umuna Bebang at si Berteng ay baka nakauwi na. Baka maghanap iyon ng makakain." saad ng matanda Esteng. "Sige Esteng at baka nga nakauwi na si Berteng sainyo. Ako rin pala ay hindi pa nakakapagluto sa bahay. Malalaman din natin kung sino ang nag simula niyang sunog na iyan." tugon naman ni Bebang. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat ang pagkawala ng mga Marque. Sa kabilang bahagi naman, "Ang daming nangyari sa buwan ng Mayo" saad ng isang babae. "Kaya nga e, una yung pag kawala na lang bigla ng mga Marque tapos ito naman ngayon nasunog o sinunog ang mansion nila." tugon ng matandang may dala-dala pang bilao. Meron silang sari-sariling paniniwala tungkol sa nangyari. katulad ng: "Siguro kaya nangyari ito ay dahil na rin siguro sa mga ginawa ng mga ninuno nila." "...o siguro may nag hihiganti sa mga Marque kaya sila ginaganyan" "Ang mga demonyo ang nag sunog niyan, baka si Yan ang Ilan sa mga maririnig sa harapan ng nasusunog na Mansion. Umabot ng 3 oras ang tinagal ng mga tao sa harap ng Mansion. They need to leave because it's getting dark and they need to cook their dinner. The people in town slowly go home with a lot of questions in their minds. The day ends like that in the town of Estellar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD