[LEONORA's POV] Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan ng mahagip ng mga mata ko sina Isaac at Mion na magkasama. Isang maliit na detalye ng pagbabago mula kay Isaac na maaring hindi napapansin ng iba pero para sa'akin ay malinaw ko itong nakikita. Simula ng mamatay si Samantha ay ngayon ko nalang ulit nakita ang ekspresyon iyon ni Isaa habang kausap si Mion. Nasaksihan ko kung ano ang idinulot sa kanya ng pagkamatay ni Samantha. Hindi ko nagawang magalit sa kanya ng mga panahong 'yun dahil nakita ko kung gaano n’ya kamahal ang kapatid ko. Nang makaalis si Mion ay lumapit kaagad ako kay Isaac. “Isaac.” Tawag ko sa rito. Kinuha ko mula sa bag ang isang nakatuping papel saka ito ibinigay sa kanya. “Buksan mo ang papel kapag nakauwi ka na sa' inyo. Delikado kung dito mo 'yan

