[THIRD PERSON's POV] "Hanapin ang lalaking 'yun at patayin. At para kay Leonora, dalhin n'yo s'ya sa'akin ng buhay." "Bakit hindi maipinta ang mga itsura ninyo?" Tanong ng matandang lalaki na kararating lang sa pulong suot ang ngiti sa mukha nito. "Akala ko ay malinis mong ililigpit ang leonora na 'yun? Dahil sa kapalpakan mo ay nanganganib ngayon ang plano sa darating na pyesta." Asik ng supremo sa matandang lalaki. "Hahaha. Masyado ka namang nerbyosa. Wala kang dapat na ipag-alala dahil kontrolado ko ang lahat. Sa ngayon ay gusto ko lang makipaglaro sa kanila." Nakangiting pahayag ng matanda na ikinakunot lalo ng noo ng supremo. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging sagabal sa mga plano ko." "Sagabal ba kamu? Masyado mo naman ata akong minamaliit SUPREMO!Mukhang nakalimutan m

