[PERCY's POV] "Goodbye, sir Percy." "Ingat kayo sa pag-uwi." Matapos kong magpaalam sa mga nagsisiuwian kong mga istudyante ay agad kong tinungo ang faculty room pero habang naglalakad ay nahagip ng mga mata ko si Leonora sa loob ng isang silid habang nakatanaw sa papalubog na araw. "Leon!" Masiglang bati ko rito. Agad na gumuhit sa mukha nito ang pagkainis ng lingunin ako. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na wag na wag mo kong tatawagin sa kung ano-anong pangalan." inis na sabi nito. Agad itong nagtungo sa mesa kung saan nakapatong ang ilang gamit n'ya. Sungit talaga. Nang makarating kami sa faculty room ay hindi pa rin ako nito kinikibo. Mahigit pitong buwan na ng ma-assign ako sa Creston Falls bilang isang guro. Pagkatapos kong magpagaling sa natamo kong bali noon ay

