[THIRD PERSON POV] "Patay na si Ramon." Anunsyo ni Boris sa mga kamiyembro na ngayo'y nagtitipon para muling pag-usap at plantsahin ang plano sa darating na araw ng pag-aalay para sa itinuturing na diyos na si Azazel. "Una ay si Rosalyn ngayon naman ay si Ramon. Gaano ba kahirap patayin ang babaing 'yun? Mga inutil!" Galit na galit na sigaw ng supremo. "Hindi si Leonora ang pumatay kay Ramon kundi ang kasama nitong lalaki." Halos mapuno ng bulong-bulungan ang buong silid sa naging pahayag ni Boris. "Panibagong sakit sa ulo na naman." "Ngayon lang tayo nagkaproblema ng ganito." "Ano ng gagawin natin?" "Namukhaan mo ba ang lalaking tinutukoy mo?" Tanong ng supremo. "Ngayon ko lang nakita ang lalaking 'yun kaya sa tingin ko ay dayo lang ito dito sa bayan." Pahayag ni Boris. Sa nagin

