Anasandra's POV "Bahala ka na nga dyan. Ang hirap mong kausap. Matutulog na ako", kunot-noong saad sa akin ni Hayes habang kumakain pa ako. "Wait!", pag pigil ko sa kanya sabay tayo sa kinauupoan. "Saan ka matutulog? ", tanong ko habang nakahawak sa isang braso ng binata. Matigas nga ang braso niya at medyo mainit-init pa. wika ko sa isip "Sa Kama mo.Mag Fiance na tayo kaya okay lang naman na sa iisang Kama na tayo matulog" Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na napalunok. "No! Hindi tayo pu-pwedeng magtabi sa Kama. Hindi ako sanay na may katabing matulog lalo na kung lalaki. Please, Doc have mercy on me. Sa guest room kana lang matulog, okay?", pakiusap ko sa binata dahil sa takot na baka mawasak ang pinakaka ingatan kong bataan. "Kailangan na nating masanay sa isat-isa, Ana.

