Anasandra's POV
Nakangiting mukha ni Lea ang sumalubong sa akin matapos kong lumabas mula sa Office ni Doctora Montes. Mukhang kinikilig pa ito dahil nakakita ng gwapo. Bigla-bigla ba naman lumilinaw ang paningin kapag may Pogi.
"Happy? Walang dapat ika happy kaya close your fvcking mouth!", naiinis kong saad sa aking Personal Assistant.
Agad itong napakiyom at yumuko sa akin para humingi ng paumanhin.
"Sorry po, Ma"am, pero ang gwapo po kasi ni Doctor Hayes Montemayor. Sa wakas ay nakita ko na siya sa Personal", napapadyak sa kilig na saad ni Lea.
"Famous Doctor siya? Ang kapal nga ng mukha kasi hindi ako kilala. Wow! Sikat akong artista,pero hindi niya ako kilala?", naiinis at kunot noo kong wika sabay lakad ng mabilis.
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Hindi ko alam kung saan ako naiinis. Kay Doctora Montes ba o kay Doctor Hayes Montemayor?
"Kalma lang po, Ma"am Anasandra. Wait, nakalimutan nyo pong suotin ang pang disguise nyo. Baka marami po ang makakilala sainyo. Ito po ang scarf", nag aalalang saad ni Lea habang pinulupot sa aking ulo ang kulay itim na balabal
"Thank you", matipid kong wika habang nagmamadali kaming lumabas ng Hospital na iyon.
Naiinis kong inalis ang balabal matapos makapasok sa Kotse.
"Saan po tayo pupunta, Ma"am?",tanong ni Manong Nilo.
"Wait", matipid kong sagot habang hawak-hawak ang Cellphone kung saan napansin ko na madaming miss calls ang aking Manager na si Mama Carla.
Halos dalawang dekada ko ng Manager si Mama Carla. Hindi kami magkadugo,pero yon ang tawag ko sa kanya. Isa siyang Beki na madaldal at may pagka feelingera na akala mo naman ay Dyosa ang kanyang ganda. Minsan ay naiinis ako kay Mama Carla kasi masyadong Perfectionist ehh mukha nga niya hindi perfect. Ang haba pa ng baba niya tapos butas butas ang mukha dahil sa open pores.Hindi ko naman nilalait si Mama Carla. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, pero kahit ganoon ay napamahal na din siya sa akin. Siguro ginagawa niya lang iyon para sa ikakabuti ng Career ko.
Pinindot ang phone para umiwan ng Voice message sa kanya.
"Hi, Mama Carla. I did not attend the Charity event for a Medical Reason. I am not feeling well. I texted Lance to attend as my representative. Bye.Love you, Mama Carla. Mwa"
"Sa Penthouse na tayo dumiresto, Manong. Anyway, Lea paki confirm nga kong naka attend talaga si Lance sa Charity event?"
"Wait po, Ma"am. Hmmm, naka-attend po si Doc Lance as your representative", pag imporma ni Lea sa akin.
"Okay. Thank you", matipid kong sagot sabay sandal sa Upoan ng kotse.
Masakit pa ang puson ko, and I am afraid to die. May namatay na ba dahil sa sakit ng puson?
"Manong pakibilisan po kasi I need to eat foods for my Medicine"
"Opo, Ma"am", sagot ni Manong Nilo habang nagmamaneho.
"Ano po ang gusto nyong kainin, Ma"am? Mag o-order na lang po ba ako online?", tanong ni Lea.
Napapikit ako ng mga mata dahil sa sakit.
"Tuna Pasta. Mag order kana lang online, but make it sure na mainit ang pastang i deliver nila", saad ko
"Okay po. Nga pala Ma"am may dinner ka po mamaya with Chairman Ramon, Chairwoman Rosa, and Doctora Vilda. They set a dinner with you po", pagpapa-alala sa akin ni Lea.
Napabutong hininga ako nang maalala na may Family Dinner pala kami Mamaya. Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin.
Chairman Ramon Del Mundo is my Daddy. He is the only Son of my Grandmother, the current Chairwoman of Del Mundo's Furniture Co.
Also, my Mommy Vilda, a famous and talented Doctor as a General Surgeon in the Philippines. Hindi ko sure kong pati ang nababata kong kapatid na si Doctor Benjie Del Mundo ay pupunta din sa aming Dinner. Madalas na hindi iyon pumupunta kasi palaging busy sa Hopital.
Walang problema sa aming Family relationship. Maayos at mahal namin ang isat-isa. Yon nga lang, ang aking Grandmother Rosa ay medyo pasaway. Ayaw magpa opera sa Puso hanggat hindi pa daw ako Kasal. Naku po! Ulyanin na ba ang Grandmother ko o sadyang matalino lang siya para gamitin ang pagigi kong Berhin since birth para maikasal upang madiligan na ang aking tigang na Bilat.
Ang Kill Joy ni Grandmother Rosa. Gustong mag-asawa na ako. Kahit ganoon ang Lola ko ay mahal na mahal ko siya, at gusto kong magpa opera siya sa puso para humaba pa ang kanyang buhay.
"Dadaan muna tayo ng Penthouse bago pumunta ng Mansion. Kailangan ko munang uminom ng gamot at magpahinga", sagot ko kay Lea.
"Okay po"
Kinuha ko mula ang aking Phone ng tumunog iyon.
Lance Gonzales
Hey! Where are you? Katatapos lang ng Charity Event. I am here in front of your Penthouse with your Favorite Tuna Pasta. I have fried chicken too!
Yan ang laman ng chat ni Lance. Ang aking matalik na kaibigan since Elementary.
"Lea, wag ka ng umorder online ng foods. Nasa Penthouse na si Lance may dala daw siyang pagkain", pag imporma ko sa aking P.A.
Makalipas ang dalawampung minuto ay nasa Penthouse na ako.
"Lance!", sigaw ko ng makita siyang naghihintay sa tapat ng pinto.
"You knew the Passcode. Bakit hindi kapa pumasok. Ayan tuloy naghintay ka dito sa labas", dagdag ko matapos makalapit sa binata. Hinalikan niya ako sa pisngi bilang pagbati.
Nakangiti siyang napatitig sa akin.
"I need to wait here in front of your door and, it is fine. Kumusta ka? Masakit pa rin ang tiyan mo? ", nag aalala niyang tanong sa akin.
"Yeah. Masakit pa rin,but I need to eat and take medicine para maalis ang sakit", sagot ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob.
Pabagsak akong napaupo sa Couch habang si Lance ay inaayos ang mga pagkaing dala para sa amin. Isa-isa niyang inilabas at ipinatong sa lamesa ng aking Living area.
"Dito na tayo kakain? ", tanong niya.
"Yeah. Gutom na gutom na ako", sagot ko habang namimilipit pa rin sa sakit.
Biglang tumabi sa akin si Lance at hinawakan ang aking Tiyan.
Ewan ko ba kung bakit ako na O-awkward nang mga sandaling iyon. Matagal na kaming magkaibigan at walang malisya para sa akin ang pagiging clingy namin sa isat-isa.
Gwapo si Lance, pero nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang naging Girlfriend. Hindi kaya lalaki din ang gusto ng kaibigan ko?
Lance is also a Doctor. He is a Heart and Vascular Surgeon sa Hospital na pinang galingan namin kanina.
Teka, bakit parang lahat ng tao na encounter at kakilala ko ay mga Doctor. This is a sign na dapat Doctor din ang mapangasawa ko. Charr lang.
Parang koreano si Lance. Maputi, Chinito, Maganda ang kanyang mga ngiti dahil sa pantay at mapuputing mga ngipin, matangos ang ilong at matipuno ang pangangatawan. Gwapo ang kaibigan ko, pero iba pa rin ang gwapo ng Doctor na nakaharap ko kanina.
Attractive pa rin ako sa mga Tall, Dark, and Handsome. Tapos parang ang yummy niya pa. Kahit Moreno ay ang lakas talaga ng dating ni Doctor Hayes Montemayor. Fvck boy siguro yon, pero may jowa na pala siya.
Napakurap ako ng magsalita si Lance.
"I have ointment here baka makatulong para mabawasan ang sakit ng Puson mo. Siya nga pala, pumunta daw kayo ng Hospital kanina because of this? Nakakatuwa ka talaga, Anasandra. Kunting kirot at hapdi lang ay nagpapa hospital kana", natatawang saad ni Lance habang pinapahidan ako ng oitment sa bandang puson.
Napatitig ako sa gwapo niyang mukha.Hinahaplos niya ang puson ko gamit ang malaki at maganda niyang palad. Nakaramdam ako ng init sa bandang iyon. Marahil ay dahil umipekto na ang ointment.
"Yeah, that is me. I am Anasandra Del Mundo, and I am afraid to die as a V*rgin", natatawa kong saad dahilan para mapahagikhik din si Lance sa tawa.
"Ako na lang ang pakasalan mo para hindi ka mamatay ng Birhen", pabiro niyang saad dahilan para bumalot sa aming dalawa ang katahimikan.
Pareho kaming natahimik at naiilang na napatitig sa isat-isa. Ang awkward isipin na si Lance ang makauna sa aking Bilat. Wala pang naging Jowa si Lance kaya baka birhen pa din ang putotoy niya. Ewan ko na lang talaga kung tama ang hinala ko na lalaki din ang gusto niya.
Maya-maya pa ay binasag ko iyon sa pagmamagitan ng pagtawa ulit.
"Ewwwww, pero seryoso kapag pinakasal ako ni Grandmother Rosa sa ibang lalaki ay mas pipiliin ko na sayo na lang makasal. Atleast alam kong green flag ka", nakangiti kong saad sa kanya.
Ngumiti din si Lance at malagkit na napatitig sa akin. Sunod-sunod akong napalunok.
"Mabuti pa kumain na tayo. Nanlalamig na ang Pasta", pagbasag ko sa mga titig na iyon.
"Naku, baka nga hindi na yan mainit. Wait,kukuha lang ako ng tubig", wika ng Binata.
"Thank you", pasigaw kong saad matapos niyang tumungo sa aking Dirty Kitchen.
Matapos makasubo ng kaunti ay uminom na ako ng gamot ni ibinigay pa sa akin ng isang Hot at gwapong Doctor. Sana nga ay maalis na ang sakit para naman maka focus ako sa aming Family Dinner mamaya.