Anasandra's POV "Cheers! Hindi pa ako lasing, Lance kaya uminom pa tayo", namumula kong saad sa binata habang nakatitig ito sa akin na para bang nabibigla sa aking inaasal. "Lasing kana, Ana. Tama na yan" "Hindi pa ako Lasing. Halika, mag selfie tayo kasi i si-send ko ito sa Fiance kong babaero", wika ko sabay lapit at yakap sa binata para kumuha ng litrato. Nakaupo kami sa sahig na tanging Carpet lamang ang sapin habang nasa maliit na table ang mga Beer at chips namin. Nakasandal kami pareho ni Lance sa ibaba ng Sofa habang walang malisya na halos magkadikit na ang aming mga katawan. Matapos iyon ay sinend ko agad kay Hayes para mas lalong uminit ang ulo sa akin. "Picture sent.Sigurado akong uusok ang ilong ni Hayes dahil sa galit", natatawa kong saad kay Lance habang nakatitig ito

