Anasandra's POV Babalik na lang daw kami doon sa Mansion after our Honeymoon in Italy. Mukhang mainit ang ulo ni Hayes sa akin. Kanina pa nakasalubong ang mga kilay niya habang pabalik na kami ng Penthouse niya. Namimiss ko na si Pempem, pero pansamantala muna siyang nakay Lea. Nang makarating na kami ng Penthouse ay agad pumunta si Hayes sa kusina. Magluluto daw siya para sa aming tanghalian. May tampo at galit ang binata, pero ipaghahanda pa rin ako ng makakain. Pabagsak akong napa-upo sa Kama at tiningnan ang messages mula sa aking Phone. Nag chat si Mama Carla na need ko daw i post sa Social Media ang update sa aming dalawa ni Hayes after the wedding.Hayy naku,wala ng privacy. Pati pag honeymoon sa ibang bansa ay kailangan pang ipaalam sa mga tao. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

