Anasandra's POV "Magpapahinga na po kami sa Kwarto, Grandmother", paalam ko sa aking lola na kasalukuyang malawak ang mga ngiti at may pakindat-kindat pa kay Hayes. Aba-aba nagkakasundo ang dalawa. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng mga senyas nila. Nang makapasok na kami sa kwarto ay agad akong nahiga at hindi pinansin si Hayes. Kunwari ay matutulog na ako, pero nakikiramdam ang aking katawan sa bawat galaw ng aking asawa. "Matutulog kana? Di ba sabi ni Lola ay gumawa na tayo ng Bata para magka-Apo na siya", wika ni Hayes sabay kalabit sa akin. Sabi na nga ba masyadong sineryoso ni Hayes ang sinabi ni Grandmother kanina. Kahit nakahinga ako ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Hindi ako umimik at nanatiling tulog kunwari. "Wag ka pang matulog, Ana", kalabit uli

