HARRY’s POV I so hate that horse. Porke may tsapa, akala mo kung sinong makapagsalita. Tawagin ba naman akong bata! If I know insecure lang 'yun sa kaguwapuhan ko at ka-macho-han ko dahil siya ay mukhang kabayo. What's with the long hair and pointed shoes? Pwera sana kung bagay ng mukha niya ‘yung buhok niya gaya ni Tristan. Eh, hindi naman. Kulang na lang talaga humalinghing siya at kabayong-kabayo na talaga ang gagong 'yun! How dare him touch my girlfriend?! At ito namang girlfriend ko, super pa-cute pa sa mukhang kabayong 'yun eh ‘di hamak na mas pogi naman ako kesa sa kanya. Makatulo laway sabi nga ng mga girls. Samantalang siya, tulo laway! “Hey, dude what's with the long face?” Nang-aasar na sumiko pa ang gagong si Vince. Para namang ‘di ko siya nakita kaninang nanonood sa eksena

