CHAPTER TWO

2035 Words
"LIMANG taon na ang nakalipas simula noong pumanaw si Summer. Nang dahil sa engkuwentro ninyo laban sa mga rebelde. Subalit nabibilang sa aking daliri kung dumalaw ka rito. Although, alam kong may sasabihin ka ay nais kong malaman mo na masaya akong pumarito ka sa bahay." Salubong na sabi ng dating biyanan ni Luther sa kaniya. Ngunit ngiti lamang ang isinagot niya rito. Dahil totoo naman ang sinabi nito. "Paseniya ka na po, Papa. Alam ko namang nauunawaan mo ako," tugon na lamang niya rito saka magalang na sumunod sa paglakad nito. Hindi naman ito kaagad sumagot. Dahil na rin sa pag-upo sa isang sofa habang nakalahad ang palad sa kaharap. Alam din man niyang pinapaupo siya rito. Kaya't hindi na siya nagpa-importante. Then... "Nasa Thailand ba ang bata, anak? Dahil himala naman yatang hindi mo isinama rito. Hindi ko rin kasi napansin noong dumalaw ako sa mga ninuno mo," anitong muli ng kapwa na sila nakaupo ng maayos. "Isa po iyan sa dahilan kung bakit ako pumarito, Papa. Una ay nais kong hingin ang blessings mo sa plano ko. It's not about my job, by the way. At ikalawa ay alam kong gusto mo ring makasama ng matagal si Thirdy. Kaya't kung okay lang po sa iyo ay dito sila maninirahan ng kaniyang Yaya---" "Wait! Saglit lang, anak. Ako ay naguguluhan sa takbo ng pahayag mo. Apo ko iyon. Kaya't walang masama kung nais mo siyang iwan dito sa akin. Ang tanong ay saan ka ba pupunta? About blessings from me, masaya ako na nais mo pa ring ikunsulta sa akin ang tungkol sa personal mong buhay. By the way, let me hear it in accurate statements." Pamumutol ng opisyal sa pahayag ng young widow na si Kulot. Kaya naman ay lumawak ang ngiting bumalatay sa mukha! "Natural po iyan, Papa. Dahil kahit wala na si Summer sa mundo natin ay ama pa rin kita at abuelo ng ala-alang iniwan ng anak mo. Tungkol po kay Thirdy ay nais ko ring mamulat ito na kahit punanaw na ang Mommy nito ay napapalibutan naman ng mga taong nagmamahal. Sa blessings po ay... Paano ko nga ba ipaliwanag?" Nais tuloy niyang batukan ang kaniyang sarili. Dahil kung kailan nasimulan na niya amg paliwanag ay saka naman siya nakaramdam ng hiya sa biyanang madalas e-bully ng yumaong asawa noon. General Bakla nga ang tawag nito. Kaso napaupo naman siya ng tuwid dahil hindi nga niya matapos-tapos ang nais sabihin ay ito naman ang nagpatuloy. Tumbok na tumbok pa nga! "Nagmamahal ka na bang muli, anak? Hindi naman maaring sabihing mayroon na bang kapalit si Summer. Dahil sigurado namang nasa puso mo pa ito. What I want to say is that there is no present without the past. Ibig sabihin ay nawala man ito sa mundo natin ay bahagi siya ng iyong nakaraan," pahayag nito Dahil dito ay nagpakawala siya ng malalim na hininga saka nagsimulang nagwika. "Actually, hindi ko pa alam kung pag-ibig itong aking nadarama. Pero sa katunayan ay mayroon akong nakasiping. Ngunit paggising ko ay nawala na ito sa aking tabi. Kung ibang babae lamg siguro iyon ay maghahabol na lalo at ako ang una sa buhay. Dito naman po papasok si Thirdy, Papa. Simula po bukas ay hindi ako papasok sa trabaho ko. Ibig kong sabihin ay on leave ako. Two lang po kaya't hindi ko isasama ang bata. Dahil mag-out of the country po ako." Mahaba-haba niyang paliwanag. Well, wala naman siyang dapat ikahiya. At mas mabuti na ang maging tapat kaysa magpasikot-sikot pa. Maaring mahinhin itong kumilos at feminist. Ngunit isa itong respetadong military general. Isa sa mga opisyal ng bansa na hindi nagpapasilaw sa kinang ng salapi. "To be exact, you want to confirm by yourself if you are free from your past relationship or your wife. Am I right, son? Hangad ko ang kaligayahan mo, anak. Kagaya ng pagsuporta ko sa inyo noon ni Summer ay gagawin ko rin ngayon ng walang pag-aalinlangan. Tungkol kay Thirdy ay hatiin mo rin ang schedule. Dahil sigurado akong gusto ring makasama ng mga magulang mo sa Thailand. Hindi na bale sa atin dito sa bansa dahil nandito lang tayo sa Manila. Anumang oras ay maari kong dalawin." Nakangiti pa na pagsang-ayon ng opisyal. Saan ka pa! Suportado ka ng biyanan mo! Pumanaw man amg iyong asawa. Ngunit mayroon ka namang very supportive father in-laws! Dahil na rin sa pahayag at pagsang-ayon nito ay nagpatuloy silang dalawa sa usapan. Iyon nga lang ay nauwi sa walang hanggang kuwentuhan. Nagmistula silang hindi nagkita ng ilang taon! SA KABILANG panig ng mundo! "D@mn! Bakit ba ang kukulit ninyo? Kapag sinabi kong wala akong haharapin kahit sino ay hiwag kayong magpumilit!" malakas na sabi ni Camilla. Kaso napabalikwas siya nang nagsalita ang basta na lamang pumasok sa kaniyang silid. "Tsk! Tsk! Ngayon ko lang nalaman na bawal na pala akong pumasok sa silid mo, Miss Rodriguez? Hah! Tama lang pala ang sabi ng mga katulong ninyong nasiraan ka na ng bait. Kaya't ayaw mo nang lumabas ng MANSION ninyo!" malakas nitong sabi. Dahil dito ay muli siyang humiga sa malambot niyang kama. Iyon nga lang ay nakadipa na. Kung may papatong sa kaniya at ipapasok on the spot ang sandata sa basag niyang arenola ay sure hits hanggang matris este pasok na pasok ito. "Heh! Alam kong mayroon kang problema, Attorney Rodriguez. Kaya't maupo ka nag makapag-usap tayo ng maayos. Hindi masosolosyunan ng pahiga-higa mo kung ano man iyan. Tsk! Tsk!" angil nitong muli. "Ano ba! Mrs Xavier, bakit ka ba nanghahablot? Ah, wala kayong lakad ng pinsan mong Espanyol, ano? Alam ko na, pinalayas ka ng bunso mong kapatid sa dungeon ninyo kaya't ako ang pinagdidiskitahan mo!" Taas-kilay niyang baling dito. "Heh! Nasa Madrid ang pinsan kong iyon. Naturally, nasa piling ng asawa niyang Italian. On vacation kaming tatlo---. Erase-erase! Huwag mong iliko ang usapan, kapatid. Dahil ang pagkukulong mo ang isinalubong ng katiwala mo sa sarili mong bahay. Ang masaklap ay sa akin ka hinanap ng hindi ka makita sa iyon silid. Ano ba ang problema, Sister? Hep! Hep! Huwag mo akong subukan. Dahil kaya kong pasabugin ang mga demonyo sa mansion ninyo kung sila ang inaalala mo." Ayon na nga! Ang bunganga ng best friend niya tinalo na naman ang mga aerial bombs nito. Well, tatlo silang magkakaibigan. Naging asawa ng pinsan nitong navy official si Maria Isabelle o MA. Siya lang ang naiiba sa kanilang tatlo. Dahil lawyer siya samantalang nasa military ang dalawa. Hindi naging handlang ang distansiya at bansa upang hindi mabuo ang incomparable friendship. "Mrs Xavier, aba'y ikaw itong basta sumulpot. Ano na ba iyong term ni brother Theodore. Ah, alam ko na. Nilayasan mo na naman ang asawa mong Thailand'er. Wait! Xavier ang Kulot na iyon kagaya mo. Bukod sa Mckevin na inyong pinagmulan, magkapamilya rin ba kayo as Xavier?" Sa naisip ay natampal niya ang noo! Subalit iyon naman ang malaki niyang pagkakamali dahil nabasa yata ang tumatakbo sa malikot na isipan! "Tsk! Tsk! HINDI sa lahat ng tanong mo, Miss Rodriguez. Pero kung magpakasal na kayo ng pinsan kong iyon ay magkapareha na tayong Xavier. Seriously speaking, my friend. Ano ba ang nangyari? Kung hindi lang sana sa misyon namin noon sa North Carolina ay hindi kita iniwan sa Manila. Since that day, hindi ko pa iyon nakausap. At ikaw din ay mukhang may itinatago. Huwag mong hintaying---" "Ano na naman ba ang problema ng lalaking iyon? Hah! Tinaguriang Dungeon King kaso mukhang lumabas na naman ang tantrums! Kaya't naging childish!" Hindi magkamayaw na pahayag ng kaibigan o si Victoria Katherine. Kaya naman ay tuluyan na siyang napangiti. Basta Dungeon King ang nabanggit ay ang younger brother nito. Kung tutuusin ay anak na nila ito. "Bestie, maraming salamat sa paglaan mo ng oras para sa tulad kong old maid kung tawagin ninyo ni MA. Alam kong sensero ka sa lahat at kailanman ay hindi ko malilimutan. Ngunit ako na ang nagsasabing kaya ko pa ang problema ko. Actually, kaya ako umuwi rito sa mansion ni erpat dahil may kailangan akong gawin. Bagay na hindi ko magagawa sa labas. Don't get me wrong, my friend. But I will call and ask you for help when I confirm everything. About your cousin in Manila? Well, hindi siya mahirap mahalin. Tama ang bansag ninyo sa kaniyang untamed police officer. I witnessed him once on how he deals with his men. Parang kayong tatlo ng mga friendship natin o ang mag-asawa. Matitigas ang mga ulo." Boom, panis! Ang nag-eemote ay napatula! Hinaluan pa ng murderous sa hulian! Tuloy! Ang ma-emosyonal nilang pagkikita makalipas ng mahigit isang buwan ay nauwi sa halakhakan. Naiwaglit nga nila ang tungkol sa caller. Subalit hindi nagtagal ay nagpatuloy sila sa masinsinang pag-uusap. SA KABILANG bahagi ng mansion. "Ano'ng plano mo ngayon, Leo? Nagawa mong pinabalik ang babaeng iyan samantalang hindi magawa-gawa ni Arthur. Huwag mong sabihing hayaan mo siyang muli?" tanong ni Mrs Rodriguez sa anak. Actually, anak niya ito sa una niyang asawa. Mayroon na itong isip noong nagpakasal sila ng kasalukuyang kasama sa buhay o ang ama ng dalagang abogada. Kumbaga, kapwa sila may anak bago nagsama. They are both lovers before they get married from their previous marriage. Iyon nga lang ay divorced siya at nabalo ito. "Well, huwag kang mag-alala, Mommy. Dahil mayroon akong plano upang matuloy ang kasal namin. Hindi maaring mapunta sa iba ang kayamanang ating pinagyaman," tugon ng binata. "Heh! Kung noon mo pa sana iyan naisip ay wala na tayong problema! Tandaan mong kahit legal akong Mrs Rodriguez ay si Camilla pa rin ang tagapagmana. Kung may nakapangalan man sa akin ay ang naipundar namin simula nang nagpakasal kami. Kita mo namang basta sumulpot ang kaibigang maton. Siguradong may binabalak na naman ang mga iyan. Kaya't huwag kang kukupad-kupad!" singhal niya rito. "Mommy, hayaan mo lang sila. Kahit pa isama nila ang iba nilang grupo ay wala silang magagawa laban sa akin---" "Huwag kang pagpakasigurado, Leo. Tandaan mong mga high ranking billionaires ang pamilyang pinagmulan nila. Mga kilala sila sa lipunan. Never underestimate the Millers." Pamumutol niya rito. Hindi naman siya natatakot sa mga ito. Ngunit kung yaman ang pag-uusapan ay mas malayong mayaman ang Millers kaysa sa Rodriguez. Idagdag pa ang mga kaibigan ng step-daughter niya. Lopez at Montesorri. A Spanish man and Italian woman. Kaya't mas mainam na ang mag-ingat. "MOMMY, alam at nauunawaan ko ang iyong hinaing. Ngunit ako na ang nagsasabing magtiwala ka sa akin. Hindi man tayo kasing-yaman ng mga iyon ngunit may alam tayo na hindi nila nalalaman. Ibig kong sabihin ay para-paraan lamang sa bawat hakbang." Dahil ayaw din niyang patuloy na mag-alala ang ina ay mas minabuti ni Leo ang magpaliwanag. Well, alam naman niyang ginagawa rin nito ang lahat para sa kaniya. Rodriguez wealth is vast. And they need to claim everything. Even if in dirty manners. "Okay, son. I trust you, by the way. Ngunit kagaya nang sinabi ko ay bilisan mo kung ano man ang iyong binabalak. Dahil kahit nasa panig natin ang pagkakataon ngayon ay maaring mabaliktad, instantly," suko nitong wika. "Yes, Mommy. Tatandaan ko iyan. By the way, how about those medicines for that old man? Are you giving to him, accordingly?" kapagdaka'y tanong niya. Kaso nagulat siya nang basta na lamang tinakpan ng ina ang bibig niya. "Will you lower your voice, Leo?! Gusto mo bang mabulilyaso ang lahat dahil sa bunganga mo?!" mariin pa nitong sabi habang nakatakip ang palad sa kaniyang bibig. Hindi lang iyon, hinila pa siya papasok sa loob mismo ng silid saka isinara ang pintuan na wari'y takot na takot! Tuloy! Lihim siyang napangiwi. Ganoon pa man ay hindi na siya umangal pa. SA BANSANG Pilipinas! Nagulat ang lahat lalong-lalo na ang departamentong kinabibilangan ni Luther dahil sa kumalat na balita. Kahit ang mga kamag-anak sa Baguio ay napasugod dahil na rin dito. "Paano nangyari iyon?" "Search the entire country if it's needed!" "Impossible, iyan! Kailanman ay hindi magagawa ni Sir ang bagay na iyan!" "Huwag n'yong maliitin ang taong iyon. Kung talagang kilala n'yo siya ay huwag kayong pagpakasigurado!" Mga ilan lamang sa salitang nanulas sa labi ng mga taong nagtataka. Ang tanong, ano nga ba ang nangyari? Bakit ganoon na lamang ang nagsulputang espekulasyon sa bawat isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD