WARNING !!!
SUPER STEAMY SCENES, READ AT YOUR OWN RISK!!!
"I am sorry, mam, hindi po talaga namin malocate iyong parcel mo!," tanging nasabi sa kanya ng babaeng empleyado ng W&H delivery services.
"Puwede bang subukan mo uli, Miss! Sabi kasi sa akin ng supplier sa akin naiship niya na daw last week pa," mariin niyang sabi.
"Yes, mam natrack na ng system namin dumating na nga sa amin pero wala pong nakalagay kung sinong rider ang nakareceive ng order mo," dahilan pa nito sa kanya.
"Ganun, puwede palang mangyari iyon, Miss?," nagtataka niyang sabi dahil hindi pa nangyayari sa kanya ang mawalan ng parcel sa tatlong taon niya sa online business.
"Yes po, Mam, sa dami ng mga parcel na dumarating araw- araw may pagkakataon talaga na mamislook at maoverlook namin!," anya pa ng babae.
"Haist!!! Graveh naman eh, wala palang silbi iyong mga delivery riders sa dami nila, isang parcel lang ang hinahanap hindi pa malocate!," katwiran niya.
"I am sorry Mam, that was beyond our control. Bumalik na lang po kayo sa susunod na araw. Baka mahanap na namin. Pasensiya na po talaga!,"
"Sorry? Bumalik? Graveh naman Miss, pangtatlong balik ko na ito this week. Dapat last week ko pa nareceive iyang parcel ko. Pambihira naman kayo! Haist, kakarampot lang na ginansiya mayroon ako diyan sa benta ko... haist, lugi na ako ng malaki sa pamasahe pa lang sa pabalik- balik ko rito!," hindi niya na mapigilang magreklamo at magsaysay ng saloobin.
"Pasensiya na talaga Mam. Susubukan po namin hanapin iyong parcel mo. Pero may ibang options naman mam kung gugustuhin ninyo!," sabi pa nito.
"At ano naman iyon, aber?," tiniasan niya ito ng kilay dahil hindi niya na talaga mapigilang magsuplada at mainis.
"Ecancel ninyo na lang iyong mga orders ng customers ninyo kaysa naman maghintay pa kayo sa parcel na nawawala!," tila wala sa loob na suhestiyon ng babae.
"What??? Nahihibang ka na ba Miss, hah??? Baka hindi ka pa nakatikim ng magkaibigang kamao! Gusto mo!," supalpal niya sa babae dahil hindi biro ang halaga ng parcel na iyon aabot din ng sampung libo ang halaga ng mga items na iyon na binayaran niya sa kanyang supplier.
"Errr... sorry po Mam... biro lang iyon, Mam... ang init kasi ng ulo ninyo! Chill lang mam... kayo naman!!! Mahahanap din namin iyong nawawala mong parcel," pagpapakalma sa kanya ng babae na tila kinabahan rin sa kanyang inasal.
"Dapat lang. Ayos- ayusin ninyo kasi iyong sistema ninyo! Tskk... saan ba ang manager o supervisor ninyo dito para masolusyunan na agad ang problema ko?," desperada niyang sabi.
"Naku mam, wala pong higher- ups namin dito, nasa convention po, next week pa ang balik nila!," turan pa ng babae.
"Haist!!! Ano pa ba ang magagawa ko nito... eh, di maghintay!," pagak niyang ganti.
"Sige Mam, gagawan ko ito ng report, para naman hindi ka makakagasto ng malaking pasahe sa pabalik- balik dito, tatawagan ka na lang namin, okay po ba?," nakangiti na ang babae sa kanya.
"Okay fine!!!," pagsang-ayon niya at tumalikod na sa babaeng nasa counter.
Napabuntong- hininga na lang siya sa sulirinang hinaharap. Hindi puwedeng mawala iyong parcel niya dahil doon nakasalalay ang kinabukasan nila mag-ina sa mga susunod pang mga araw.
"Hi, mam, ang hot mo naman, puwedeng humingi ng number mo... heheh," bigla siyang napalingon sa gilid niya para mapagsino ang walang hiyang boses lalakeng nangahas na tawagin siya upang bigyan niya ng pansin.
"Tse!!," pinandilatan niya ito ng mata at inisnaban at deretso ng lumabas ng tanggapan ng W&H delivery services.
Isa siyang hot and single mama ng limang taong gulang na batang babae na ubod ng cute at bibong-bibo. Hindi siya puwedeng tamarin at panghinaan ng loob dahil wala siyang ibang aasahan natataguyod sa kanilang mag-ina kung hindi siya lamang.
Tatlong taon na siya bilang online raketera in short nagtitinda ng kahit ano- anong bagay sa lahat ng social media platforms. Second year college lang ang natapos niya ng maging isa siyang ina ni Thea.
Wala na siyang ina at ang kanyang ama naman ay nag-asawa na muli. Lumayas siya sa kanila dahil sa madrasta niyang ubod ng sama ng ugali. Nakipagsapalaran siya sa Manila upang maghanap ng magandang trabaho ngunit iba ang inadya ng kapalaran sa kanya.
Sa edad na labing-siyam ay naging isa nga siyang dalagang ina. Hindi na rin niya binalak pang umuwi sa probinsiya nila dahil panigurado ay kukutyain lang siya ng kanyang madrasta.
Wala din namang pakialam sa kanya ang kanyang ama dahil pinaniniwalaan nun ay ang magaling niyang ina- inahan na walang ibang ginawa kung hindi ipagmalaki ang mga anak nito sa una nitong asawa.
Si Dahlia at si Monica na kasing-edad niya rin na walang ginawa kung hindi gawin siyang mutchacha. Daig niya pa ang katulong sa sarili nilang pamamahay. Dose anyos kasi ng maulila siya sa kanyang mama at nag-asawa muli ang kanyang papa ng isang biyuda na may dalawang anak.
Noong una ay maayos naman ang samahan nila ng kanyang madrasta at ng kanyang dalawang kinakapatid. Ngunit pagkalipas ng isang taon ay lumabas din ang totoong mga kulay nito.
Hindi kasi nila nakakasama ang kanyang ama dahil isa itong driver ng cargo truck at kung saan- saan ito nadedestino. Madalas buwanan ito nakakauwi sa kanila. Hindi niya rin nakakausap ang kanyang papa kung nakakauwi sa kanila dahil bantay salakay ang kanyang madrasta.
Ang hindi niya natagalan sa puder ng kanyang pamilya ay ang pagmamaltrato ng kanyang ina- inahan na halos araw- araw na lang na ginawa ng Diyos ay palagi na lang siyang sinasaktan.
Mabuti lang sana kung bugbog lang ang katawan niya sa trabaho. Eh, hindi eh, ginawa na siyang punching bag ng tatlong naghahari- harian sa sarili niyang pamamahay.
Sinubukan niyang isumbong sa kanyang papa ang pinaggagawa sa kanya ng kanyang ina- inahan at pati na rin ng dalawang kinakapatid ngunit binaliktad siya ng mga ito. Siya ang pinamukhang masama ng tatlo at pinalabas siya na suwail na anak.
Tiniis niya ang lahat ng pasakit at kasamaan ng kanyang madrasta at dalawang kinakapatid hanggang sa makatapos siya ng high school. Nagpasya siyang makipagsapalaran sa Maynila at ito na nga ngayon ang naging buhay niya pagkalipas ng limang taong paninirahan sa siyudad malayo sa mapanakit na pamilya.
Wala na siyang balita sa kanyang pamilya. Paminsan- minsan ay namimiss niya ang kanyang papa. Wala naman itong kasalanan sa kalupitan at kasamaan ng pinili nitong asawahin.
Naghihinakit lang ang kanyang kalooban sa kanyang papa dahil hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at sabihin ang katotohan. Mas pinakinggan pa nito ang kasinungalingan ng kanyang madrasta at dalawang kinakapatid.
Paglabas niya ng pintuang de salamin ng nasabing tanggapan ay ganoon na lang ang pagkulimlim ng kalangitan. May nagbabadyang malakas na ulan na paparating. Hindi pa naman dapit- hapon dahil mag-aalas tres pa lang.
Nakasuot lang siya ng tattered jeans at isang v- neck gray fitted shirt na palagi niyang get-up sa tuwing may delivery o may lakad siyang patungkol sa kanyang munting kabuhayan.
Oo, kabuhayan dahil halos lahat ng pangangailangan nilang mag-ina ay sa pagbebenta niya online kinukuha ang panggastos. Hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral kaya mahirap maghanap ng trabahong malaki ang kita at isa pa ay wala siyang mapagkakatiwalaang taong mapag-iiwanan niya kay Thea.
Mabuti na lang ay online seller at raketera siya dahil hawak niya ang kanyang oras at nabibigyan niya ng sapat na oras ang kanyang anak. Mabuti na lang ngayon ay pumayag itong magpaiwan sa kalaro nitong kapit- bahay nila na si Tyrone na apo ni Aling Goring.
Minsan napapakiusapan niya si Aling Goring na iwanan niya dito si Thea. Mabait naman ang kanyang anak kaya't madalas pumapayag si Aling Goring na iwanan niya ito lalo na nandiyan si Tyrone.
Sa kalapit barangay lang kasi ito nakatira. Anak ni Aling Goring ang ama ni Tyrone na nasa Dubai. Isa ding single mother si Aling Goring na iginapang sa pag-aaral ang anak nito hanggang makatapos sa pag-aaral.
Isa na ngayong matagumpay na seaman ang anak nito at nakapag-asawa ng isang guro. Dalawa ang naging anak nito at isa nga si Tyrone na walong taong gulang na. Kuya Tyrone nga tawag ni Thea sa kalaro nito at madalas bukambibig ng kanyang anak dahil mabait din na bata si Tyrone.
Hindi katulad ng kuya nitong si Thaddeus na suplado at madalas na pinapaiyak si Thea. Kaya nga natuwa siya kanina ng paghatid niya sa anak niya Aling Goring ay naroon si Tyrone. At least, kampante siyang may kalarong mabait na bata rin ang kanyang anak.
Naghintay siya ng masasakyang taxi pauwi. Hindi na lang siya sasakay ng jeep pauwi panigurado siyang traffic na sa daan pauwi sa kanila dahil sa nakaambang na malakas na ulan na paparating. Di bale ng maubos ang pera niya sa pasahe kaysa naman abutan siya ng ulan sa daan.
Naiinip na siya sa kaiintay ng taxi. Wala pa naman siyang dalang payong kapag nagkataong bumuhos ang ulan na naririto pa rin siya ay pihadong mababasa siya sa ulan.
Pinagpapadyak niya ang kanyang mga paa na may suot na puting rubber shoes na sa bangketa niya lang nabili. Matibay ang suot niyang rubber shoes dahil gawang ibang bansa. Usong- uso kasi ang ukay- ukay sa ngayon. Mas mura at durable pa.
Bilang online seller ay alam na alam niya na ang kalidad ng mga produkto. Siya man rin ay mas gusto ang ukay- ukay. Sa mahal ng mga pangunahing bilihin ngayon, choosy pa ba siya?
Mas uunahin niya na lang ang pangangailangan nilang mag-ina kaysa mag-inarte siya sa mamahalin at branded na mga bagay. Ika nga ng nakakarami, sa nagdadala lang iyan. At isa pa, sanay naman siyang maging simple at natural lang sa kanyang gawi.
"Pucha naman oo kung minamalas ka nga naman! Haist.... kainis!!!," maktol niya at nakatunghay sa kanyang mga paa.
Pansin niya ang pagpatak na ng ambon sa semento kung saan siya nakatayo. Wala pa ring dumaraan na taxi kung mayroon man ay may sakay na rin. Kung hindi lang talaga siya kinukulit ng mga customers niya sa mga orders nito ay hindi siya paparito.
Halos kasi lahat ng customers niyang umorder ay bayad na kasi pay first before ship ang patakaran niya sa kanyang online business page. May halos ten thousand followers na rin siya sa official page niya kung saan madalas siya naglilive selling ng kung ano- anong bagay.
Ito ngang kasalukuyan at nawawala niyang parcel ay base sa Cebu ang supplier niya. Mura at durable ang mga items nito na karamihan ay ready to wear items. Karamihan din kasi sa mga customers niya ay wholesaler na ibenebenta sa paisa- isa ang bawat items ng mas mahal na presyo.
Siya naman ay maliit lang ang patong niya basta ba ay everyday selling siya para may pantawid gutom silang mag-ina. Lahat ng kung ano- anong anik- anik ay ibebenta niya at pinopost sa kanyang page.
Tiyagaan at diskarte lang talaga ang kanyang puhunan. Nakapag-ipon na sana siya nitong huli para pampuhan pero naubos din dahil pinangbayad niya sa ospital sa anak niya dahil sa typhoid fever.
Nagulat na lang siya ng may humintong motorsiklo sa harapan niya. Mukhang namumukhaan niya ang hitsura ng motor at pati na rin ang suot na jacket at helmet ng lalakeng nakasakay rito.
"Sakay na Mam Regina!," baritonong boses ng lalake.
"Hah, ahhhh... ehhhh, huwag na ho, magtataxi na lang ho ako!," takot niya lang kung sino tong pontio pilatong nangahas na alukin siyang pasakayin siya sa motorsiklo nito.
"Sige na Mam, huwag na kayong matakot ako to si Rogelio, iyong madalas na magdeliver ng mga parcel ninyo, ihahatid na kita sa inyo, mam!,"
"Ha... eh, huwag na, nakakahiya naman at isa pa baka bumuhos ang ulan, naku mababasa ako niyan!," tanggi niya pa.
"Dito lang naman ang makulimlim, sa unahan hindi na. Tiyak kung makakarating na tayo sa inyo bago pa umulan," nakasuot ito ng helmet kaya hindi niya mapigura ang mukha nito, may suot ding mask ang bibig at shades ang mata nito.
"Ganun ba! Rogelio ba kamo ang pangalan mo? Sa tagal ko ng nagpapadeliver ng parcels ko sa inyo hindi ko na matandaan," saad niya pa na pilit inaalala ang mga nagdaang riders na naghatid ng kanyang mga parcels.
Halos lahat kasi ng mga riders na pumupunta sa bahay niya ay nakalimutan niya na ang mga hitsura. Parepareho kasi ito ng get-up at madalas hindi na siya tumitingin sa mukha ng riders kung hindi nasa parcel na agad ang kanyang atensiyon.
Oo may munting bahay na siyang naipundar na pag-aari din ni Aling Goring. Dati itong tindahan ngunit dahil may edad na rin ay pinatigil na ng anak nito sa pagtitinda.
Dati kasi ay nangungupahan lang siya sa kalapit- bahay ni Aling Goring. Nang nalaman niyang bakante ang tindahan ni Aling Goring ay siya na mismo ang nagmungkahi sa matanda na bibilhin niya ito.
Dahil mabait at naawa sa kanya ang matanda dahil sa pareho sila nito ng kalagayan ay pumayag ito. Nagdownpayment lamang siya ng baynte mil at ang balanse naman ay hinulog- hulogan niya na lang.
Half- concrete at half- cement ang tindahan na dinahan- dahan niyang pinarennovate at pinalagyan ng lababo at banyo sa labas na karugtong lang din ng dingding ng tindahan.
Pinaggawan niya rin ng maliit na silid para sa kanilang mag-ina. Munti man ay sa bahay na iyon binuo nilang mag-ina ang kanilang mga pangarap sa buhay.
"At your service mam sakay na! Doon kasi ang area ko ngayon, may ihahatid din akong parcels malapit sa inyo," tinuro pa nito ang bag na nasa harapan nito na may lamang parcels.
"Ahhhh... okay, sige, sasakay ako!," choosy pa ba siya, nag-alok na ng grasya sa kanya eh, di e- grab niya na, sayang din ang pasahe niya sa taxi aabot din iyon ng mahigit dalawang daan puwede na iyong pambili niya ng bigas nila ni Thea.
Ibinaba ni Rogelio ang side stand at umusog ng konti sa harapan nito. Hindi na siya nagdalawang- isip na sumakay sa motorsiklo nito. Itinukod niya ang kanyang magkabilaang kamay sa grab handle sa likuran niya at dumestansiya siya palayo ng konti kay Rogelio.
"Mam Regina huwag ninyo diyan ilagay ang mga kamay mo, mahuhulog ka diyan sa ayos mo!," rinig na rinig niya ang matinis ngunit kakaibang dating ng boses nito para sa kanya.
"Eh, saan nga ba?," wala sa sarili niyang sabi.
"Dito mam!," ganoon na lang ang pagkamangha niya ng abutin ng isang kamay nitong may suot pang guwantis ang isang kamay niya at ipinatong sa harapang beywang nitong kay tigas at ganoon din ang ginawa nito sa kabila niyang kamay.
"Kumapit ka ng mabuti mam Regina! Ready to ride with me mam Regina!," hindi na siya nakasagot at nakakilos pa dahil pinaharorot na ng mabilis ni Rogelio ang motorsiklo nito tuloy napalapit na siya ng husto sa likuran ni Rogelio at mahigpit na napayakap sa kanya sa takot na mahulog.
Rinig niya ang pagtahip at pagregedon ng kanyang puso. Hindi niya mawari kung dahil ba ito sa takot na baka matumba o madisgrasya sila sa bilis ng pag-andar ng motorsiklo nito o hindi kaya dahil sa pagkakalapit niya sa estrangherong lalake na hindi niya nga napagsino ang hitsura.
Mga ilang kilometro na lang ay makakarating na sana sila patungo sa kanyang bahay ngunit bumuhos ang malakas na ulan. Madali siyang nabasa ng ulan. Pakiwari niya ay pati kasuotan niyang pangloob ay basang- basa na rin.
Napilitan silang huminto muna at magpasilong bukod kasi sa basang- basa na sila ay hindi na rin maaninag ang daan dahil bukod sa ulan ay dumilim ang paligid na may kasamang kidlat at kulog.
"Naku, ang malas naman talaga ng araw ko! Haist... malapit na sana tayong dumating umulan pa," reklamo niya ng makababa sila at makasilong sa hindi niya mawaring lugar.
"Hindi naman siguro mam Regina nagkataon lang talagang masama ang panahon!," depensa pa nito na hindi pa rin tinatanggal ang suot na helmet.
Tumatango siya at biglang nakadama ng lamig sa katawan. Sunod- sunod na kulog at kidlat ang nangyari at biglang mas bumulasok pa ang malakas na ulan.
"Mam Regina doon tayo oh, mababasa pa rin kasi tayo dito!," suhestiyon pa nito.
Nagtatakbo sila sa bandang roon na pakiwari niya ay isang abandonadong gusali. May kadiliman na ang lugar kaya't mas lalo siyang gininaw at nakadama ng takot.
"May bagyo siguro nuh! Haist, sa abala ko sa pagbebenta hindi na ako nakikisagap ng balita, haist buhay!," komento niya pa na tila may nginig na habang nagsasalita ng makapasok sila sa loob ng gusali.
"Maghubad ka na mam Regina!," bigla siyang naalarma sa sinabi nito kaya't napatalikod siya bigla at kukuripas na sana ng takbo ng muli itong magsalita.
"Akin na iyang damit mo mam patutuyuin natin, baka kasi mapasma ka," gayon na lang ang paglunok niya at nakadama ng ginhawa ng mali pala ang masamang iniisip niya.
Napaharap siya kay Rogelio at mas lalo siyang nagitla at natulala pagkakita sa mala- adonis nitong kagwapuhan. Wala na itong suot na helmet at bonnet sa mukha. Tanging flashlight lang ang hawak nito sa kabilang kamay tama lang upang makita niya ang kagwapuhan nito.
"Ahmnnn... huwag na matutuyo din ito! Isa pa wala akong pamalit! Okay na ako dito," pigil niya.
"Hay naku mam iyong isang kasamahan ko nilamayan na pagkatapos matuyuan ng pawis sa likod, mahirap ng magkapulmonya mam!," tila nanakot nitong sabi.
"Hah! Sige takot pa akong magkasakit nuh may anak pa akong umaasa sa akin!," sabi niya pa.
"Oo nga mam, ang cute cute pa naman ng anak mo!," ganti pa nito.
"Ah oo nakilala mo rin pala ang anak ko, siya rin kasi ang madalas na sumasalubong sa mga riders na nagdedeliver ng parcel ko," kuwento niya pa.
"Yee...ah oo mam," natatawa nitong sabi na nag-umpisa ng maghubad sa harapan niya kaya't napapalunok siya ng sunod- sunod lalo na ng mahubad na nito ang suot nitong puting t-shirt.
"Puwede bang tumalikod ka, maghuhubad na rin ako!," mungkahi niya pa.
"Sige po mam Regina!," para talaga itong maginoong sundalo kung magsalita napakarespetoso kaya medyo kumalma ang naghuhumirantado niyang puso at kaisipan.
Nagmadali na rin siyang tumalikod at dahan- dahang naghubad ng kanyang suot na t- shirt pati bra niya ay hinubad niya na rin tanging tattered jeans lang ang hindi niya hinubad.
"Tapos ka na mam? Puwede ng humarap?," sabi pa nito.
"Hah, ehhh...huwag!!! Diyan ka lang tumingin sa direksiyon na iyan ako naman dito rin sa kabila. Walang lingunan mahirap na!," bulalas niya at nagsimula ng depensahan ang sarili.
"Hahah... hindi naman ako nangangagat mam, pero depende pa rin sa iyo mam kapag gusto mo, willing victim naman ako!," natatawa nitong sabi.
"Loko- loko! Hindi pa ako nalilibugan nuh! Atsaka huwag kang bastos at magtake advantage baka hindi ka na sisikatan ng araw," pananakot niya pa.
"Heheh... biro lang mam Regina, ang cute ng boses ninyo kapag nagagalit, pinapatawa lang kasi kita kasi nilalamig na rin ako. Puwede bang lumapit ako ng konti kahit sumandal na lang ako sa likod mo para naman kahit papaano mapawi itong lamig ko," garalgal na ang boses nito at pakiwari niya ay hindi nga ito nagbibiro.
"Sige na nga nilalamig na rin nga ako, pero likod lang ha?," hindi pa umabot ng ilang segundo ay naramdaman niya na agad ang pagdaiti ng kanilang mga likod.
Tila naman nakaramdam siya ng ibayong init sa pagkalapat ng kanilang mga hubad na likod. Parang may bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang likuran paakyat sa kanyang leeg. Iniyakap niya ang dalawang kamay sa kanyang dibdib para man lang maibsan ang ginaw na nadarama.
"Maupo tayo mam Regina, hindi naman puwedeng nakatayo lang tayo hanggang tumigil itong ulan," natatawang suhestiyon pa nito.
Dahan- dahan na siyang umupo at sumunod din si Rogelio sa kanya na hindi winawaglit ang paglapat ng likod nito sa kanya. Mas komportable nga palang nakaupo kaysa nakatayo.
Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan sa labas na may kasamang malakas na mga kulog. Tila hindi na titila ang ulan nito. Naalala niya tuloy ang anak niya na kay Aling Goring.
"Mam Regina o--kay ka pa ba? Ako kasi ginaw na ginaw pa rin puwede bang payakap mam, hindi ko na talaga kasi kaya ang la--mig na ta--la--ga," basag na talaga ang boses nito at ramdam niya ang pagnginig ng buong katawan nito kaya't nataranta na rin siya kaya't siya na mismo ang humarap dito at hinila ito paharap sa kanya.
Yumakap ng mahigpit sa kanya si Rogelio. Wala na siyang pakialam sa hubad nilang katawan. Ang importante ay makatulong siya sa kanyang kapwa. Takot niya lang kung anong mangyari dito.
Hindi naman siya masama at mapang-abuso na tao. Alam niya ang pakiramdam ng may iniindang sakit. At dapat lang din na hindi niya balewalain si Rogelio dahil nagmagandang loob na ito na ihatid siya.
"Thanks mam!," matagal at tila ilang sandali din silang magkayap bago humupa ang panginginig ng katawan nito.
Ang nginig ay napalitan ng ibayong init. Init na tumatagos sa kanyang kalamnan. Para siyang apoy na masidhing lumiyab bigla. Hindi niya na kinakaya ang ganitong pakiramdam kaya't pilit siyang kumakawala sa yakap ni Rogelio ngunit hindi siya nito pinapakawalan.
"Konti pa mam Regina please...," pakiusap pa nito kaya't hinayaan niya na lang.
Pinikit niya na lang ang kanyang mga mata at hinintay ang ilang sandaling maging mabuti- buti na rin ang pakiramdam ni Rogelio at kusa na itong hihiwalay sa kanya. Makailang sandali ay naramdaman niya ang pagluwag ng yapos sa kanya ni Rogelio at unti- unting bumababa ang ulo nito. Napatili na lang siya sa sunod na ginawa nito.
"Oh...oh...oh," tanging umalpas sa kanyang labi ng salitang sipsipin ni Rogelio ang u***g ng kanyang dalawang cocomelon.
Napakasuwabe at napakaigting ang kanyang c******s sa kakaibang karanasan na ipinadama sa kanya ni Rogelio. Tila uhaw na uhaw itong nilapa at nilawayan at dinilaan ang buo niyang cocomelon na thirty- six ang cupsize.
"So sweet... so hot and so yummy! Iba talaga ang sarap at alindog ng isang single mommy, the best! Thanks Regina sa susunod naman!," nakangisi itong tumunghay sa kanya habang nakaangat pa ang kanyang ulo at nakabuka ang kanyang labi.
Tila naman siya nahiya sa inasta para din kasi siyang nadarang sa kapusukan ni Rogelio. Tuloy para siyang nabitin dahil imbes na ipagpatuloy ni Rogelio ang ginawa nito sa kanyang katawan ay kinintalan siya ng mabilis na halik sa kanyang labi at tumayo kaagad at dumungaw sa labas ng gusali.
At doon nagsimula ang kanyang roller coaster ride relationship kay Rogelio na simulang makasakay siya sa motorsiklo nito ay naadik na siyang magtuloy- tuloy pa ang kanilang joy ride sa isa't isa.